04/07/2026
"Money won't make you happy. But it solves a lot of problems."
Dati, akala ko kapag marami na akong pera, magiging masaya na ako.
Iniisip ko,
kapag may malaking income na,
wala na akong poproblemahin.
Hindi na ako mai-stress.
Hindi na ako mag-aalala.
Kasi kapag kapos ka,
ang unang naiisip mo,
"Kung may pera lang ako..."
At totoo naman.
Maraming problema ang nababawasan
kapag may pera.
Mas madaling magpagamot.
Mas madaling tumulong sa pamilya.
Mas maraming choices.
Mas maraming opportunities.
Pero later on,
may isang bagay akong napansin.
May mga taong maraming pera,
pero wala pa ring contentment.
May mga tao rin
na hindi pa naaabot
lahat ng financial goals nila,
pero malinaw kung bakit sila bumabangon araw-araw.
Pareho silang kumikita.
Pero magkaiba
yung pinaghuhugutan nila ng fulfillment.
Doon ko na-realize,
hindi pala pera
ang nagbibigay ng meaning sa buhay.
Pero malaking tulong ang pera
para mabawasan
yung mga problemang
humahadlang sa purpose natin.
Kaya hindi mali
na gustuhin nating yumaman.
Ang tanong lang,
kapag dumating na yung pera,
alam ba natin
kung para saan natin ito gagamitin?
At baka kailangan din nating alalahanin,
na ang pera
ay magandang servant,
pero delikadong master.
Kapag alam natin
kung ano ang tunay na mahalaga,
mas magiging madali ring gamitin
ang pera
para gumawa ng mabuti,
hindi lang para sa sarili natin,
kundi pati sa ibang tao. 🙏