03/03/2026
Paalam
Spoken Poetry
Written by: ✍️ J
Anim na letra pero parang
Ang bigat sambitin, paalam salitang
Di mo alam,kung panandalian o
Pang - matagalan, mabigat sa puso
Ayaw mo man mag paalam pero
Kinakailangan, paalam sa mga
Ala- alang masasaya na binuo
Nating dalawa
Paalam sa mga ngiti na naging mga luha
Paalam sa mga mapapait nating
Pinag- talunan, paalam sa taong
Minsan naging bahagi ng aking buhay Paalam, hanggang sa muli nating
Pagkikita.