04/04/2021
BAKIT KARAMIHAN ng Pinoy Hindi Nakakapag- negosyo?
Basahin mo 'to. ☺
1. SIGURISTA
Hindi pa nagsisimula ang nasa isip, lugi na. Gusto agad kita. Empleyado mindset pa din. Gusto akense o a-trenta may sasahurin. Sa business UNSTABLE ang income pero once nakuha mo ang SISTEMA, walang ibang choice kundi ang umasenso ka talaga.
2. MAHILIG MAKINIG SA NEGATIVE NA SINASABI NG IBA
Karaniwang Pilipino, hindi pa nasusubukan. Ayaw na agad. Nasabihan lang ng negative ng kaibigan o kamaganak, ayaw na. End up. Kung anong buhay ng nag-advise, ganun din ang buhay nya. Iniisip agad kung ano sasabihin ng iba pag nagkaroon ng di masyadong magandang situation. (makinig sa advice ng isang successful na tao, hindi sa kung kani kanino lang na wala namang naabot sa buhay kundi ang makialam sa buhay ng ibang tao. pwede mo silang pakinggan pero nasa sayo kung papakinggan at diringgin mo ang advice nila. Walang masama tumanggi kung ikakabuti naman.
3. PURO DAHILAN
Wala pang nasisimulan. Puro na problema ang tinitignan.
'Keso ganyan, keso ganun.'
'Si ano kasi, si ganyan kasi.'
'Yung ano kasi, yung ganyan kasi.'
'Kulang pa, masyadong ano ang ganyan.'
'Kasi hindi ako marunong, hindi ako magaling dyan'
Halos lahat ng pagbuntungan ng sisi ginawa, hinanap at sinabi na. Wala pa namang nasisimulan, sabi nga "Paanong may matatapos, wala namang sinisimulan?"
4. WALANG TIWALA SA SARILI
Pinangungunahan na agad ng takot at duda ang sarili.
5. PLAY SAFE
Ayaw magfail. Takot magfail. Gusto parating komportable. Gusto gawin yung mga bagay na kaya nya lang. Ayaw ng sumubok ng bago kaya end up, walang nagbabago. Stagnant.
6. ABANGER MOVES
Gusto parating siya ang may gain o ganansya. Dapat meron siyang parating malaking parte agad.
7. TAMAD
Ayaw ng gumawa for some extra-mile. Kung ano lang nakasanayan, gusto parating yun na lang. Mahirapan lang ng konte, ayaw na. Hindi lang gusto ang nangyare. Ayaw na. Masyadong tamad at ayaw magsakripisyo. Tamad mag-aral ng negosyo. Gusto na lang parating pahinga PERO