17/07/2026
Good morning po mga ka -LK! 🥰
Muli na po kaming magbubukas ng aming printing shop ngayong Hulyo 20, 2026 (Lunes).
Ang mag-ooperate po muna ng printing shop ay ang aking anak dahil ako po ay kasalukuyang nagpapagaling dahil sa aking karamdaman. Wala po muna kaming editing services sa ngayon dahil hindi pa po siya marunong mag-edit at mag-layout ng files.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa. Ang kaya lamang pong gawin ng aking anak ay Print Only, Rush ID, at Photo Printing. Hindi po siya gagawa ng editing o layout ng inyong mga files.
Tumatanggap lamang po kami ng mga file na handa na at diretso nang ipi-print, tulad ng:
PRINT ONLY 👇👇👇
✅ Word File (.doc/.docx)
✅ PDF File (.pdf)
✅ Canva Link (nakaayos na at ready for printing)
✅ JPEG o PNG File (nakaayos na at ready for printing)
Pakiusap po na siguraduhing maayos, tama, at kumpleto na ang inyong files bago ito ipasa para ipa-print, dahil hindi na po ito ie-edit at diretso na lamang po itong ipi-print.
Bago po magpa-print, pakilagay na rin po kung:
• Ilang kopya ang ipi-print
• Anong laki o size ng papel ang gagamitin
Upang maiwasan po ang anumang pagkakamali.
Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abala at maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.
Sa pamamagitan po nito, maipagpapatuloy namin ang pagbubukas ng aming printing shop at makapagbibigay pa rin sa inyo ng de-kalidad at abot-kayang printing services.
Maraming salamat po! 🥰