Metric Accounting and Process Solutions

Directions Contact the business

Metric Accounting and Process Solutions Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Metric Accounting and Process Solutions, Buendia, Makati.

Helping PH businesses and OFWs with formation of business, compliance, accounting, HR concerns, visa processing, and customized documentation — all under one dedicated team.

15/08/2026

Libreng webinar para sa mga may negosyo. Oo, libre talaga, mula pa sa Bangko Sentral!🎓Micro, small, o medium —Planong Pa...
14/08/2026

Libreng webinar para sa mga may negosyo. Oo, libre talaga, mula pa sa Bangko Sentral!🎓

Micro, small, o medium —Planong Panalo para sa Negosyo!
Economic and Financial Learning Program (EFLP)

Ano ang matututunan mo:
✔️ Paano mag-manage ng pera ng negosyo
✔️ Responsableng pangungutang
✔️ Paano makaya ang pagbabago ng ekonomiya
✔️ Digital finance at e-commerce
✔️ Scam awareness at insurance

Pumili ka lang ng date — pareho lang ang program:
📅 August 18, 2026 → https://tinyurl.com/programbankosentral
📅 August 19, 2026 → https://tinyurl.com/ProgramAug19BSP

Virtual ito, kaya kahit nasa probinsya ka o abroad, puwede kang sumali.

Bihira ang ganitong training na galing mismo sa Bangko Sentral — at walang bayad. Kung seryoso ka sa negosyo mo, sulit ang ilang oras na ito. Invite nyo din family members na involved o interested sa negosyo.

Mag-register na bago mapuno. 👇

May lumang tax problem ka ba na hindi mo na naayos? May "clean slate" offer ang BIR na sa halagang 5k ay settled na laha...
14/08/2026

May lumang tax problem ka ba na hindi mo na naayos? May "clean slate" offer ang BIR na sa halagang 5k ay settled na lahat!. 🧾

Kung micro business ka (usually mga sari-sari stores, online sellers, small food stalls, freelancers with registered businesses, small service providers) at may naiwan kang hindi na-file, hindi na-settle, or open case sa BIR — may solution na po.

Recently, nag-open ang BIR ng “one-time tax abatement program” para sa inyo.. Ibig sabihin: puwede mong ayusin ang lumang obligasyon mo na walang penalties.

Sino ang qualified?
✔️ Gross sales na hindi lalampas sa ₱3,000,000 for the year
✔️ Basic tax liabilities at/o penalties na hindi lalampas sa ₱80,000 kada taxable year
✔️ May delinquent account, assessment (disputed man o hindi), o open stop-filer case
✔️ Cases na existing as of December 31, 2025

At kahit sarado na ang negosyo mo?Kasama ka pa rin. Marami kasing micro business ang tumigil na mag-operate pero patuloy pa ring may natatambak na case sa BIR.

Paano?
1️⃣ Mag-file ng application sa RDO kung saan ka registered
2️⃣ Bayaran ang one-time abatement fee na ₱5,000 kada approved application
3️⃣ Makakatanggap ka ng Certificate of Availment — patunay na closed na ang case mo

⏰ Hanggang December 31, 2026 lang ito.

Hindi ito parusa — opportunity ito para maging updated at compliant ka. Mas magaan matulog kapag malinis ang records mo.

Kung hindi ka sigurado kung qualified ka o kung ano ang record mo sa BIR, message us. Tutulungan ka naming i-check bago ka mag-file or your can check Revenue Regulations No. 4-2026 for more details.
Follow us for more tips.

14/08/2026

It’s true no collateral.

💸 Bakit Nasa Regular Savings ang Pera Mo Eh May Mas Magandang Options na Low-risk pa?Quick math: Kung ₱100,000 lang ang ...
09/08/2026

💸 Bakit Nasa Regular Savings ang Pera Mo Eh May Mas Magandang Options na Low-risk pa?

Quick math: Kung ₱100,000 lang ang nasa regular savings mo (under 1% interest), halos wala kang kikitain sa isang taon. Pero kung ilalagay mo sa tamang low-risk na investment, pwede kang kumita ng libo-libong pesos — some are even tax-free! 📊

Here’s the comparison ng mga pinaka-secure na investment options ngayong 2026: 👇

🥇 Pag-IBIG MP2 — 7.12% latest yield (tax-free!)
🥈SSS’s Pension Booster - 6.9% (tax-free!)
🥉Government/Corporate Bonds— 5% to 8% range
🥉 Treasury Bills — 4% to 5.5%
💰Time Deposit — 1.5% to 4%
💰 Money Market Fund — 3% to 5%
💰 High-Yield Savings — 3% to 6%

Ang key takeaway: Hindi lahat ng "safe" investment ay pantay-pantay. May mga option na parehong secure pero mas malaki ang kita. ✅

Bago ka mag-invest, importante ring malaman kung paano ito maka-apekto sa buong financial picture mo — lalo na kung may negosyo ka rin o may plano kang mag-set up ng isa. 💼

HINA-HARASS  KA BA NG ONLINE LENDING APP? 📲⚖️MInsan ang mga naha-harass ay mga maliliit na negosyante. Dito kumuha ng pu...
09/08/2026

HINA-HARASS KA BA NG ONLINE LENDING APP? 📲⚖️

MInsan ang mga naha-harass ay mga maliliit na negosyante. Dito kumuha ng puhunan, tapos na-delay ang bayad, tapos pinapahiya na sila sa social media.

🚨 BAGONG SEC RULE (2026 OLP Disclosure Guide, MC No. 20)

Required na ngayon na i-disclose ng bawat lending app ang customer support channels nila at ang mga third-party providers nila.

Dati: “Third-party collector po iyong mga tumatawag sa inyo, wala kaming kontrol." Ngayon: naka-register na sila sa SEC. May pangalan na. May pananagutan.

❌ BAWAL SA KANILA (SEC MC No. 18-2019):
- Magbunyag ng utang mo sa kliyente, supplier, o kamag-anak
- Pagtawag sa contacts mo
- Pagpapanggap na abogado o pulis
- Pekeng "warrant" o "subpoena"
- Pananakot at pamamahiya sa social media

Ang pamamahiya ang armas nila. Ang dokumentasyon ang armas mo dahil may pananagutan sila.

Subscribe to SEC Newsletter Enter your email address to subscribe to the NewSECletter, the official newsletter of the Securities and Exchange Commission. I have read and accept the Privacy Policy Latest Information See More… See More… See More… See More… Our Services Primary Registrati.....

‼️ Beware of “online notary” on Facebook ‼️PWEDE NA BA MAG-PANOTARYO ONLINE? ⚖️  sa ilalim ng e-notarization platform ba...
09/08/2026

‼️ Beware of “online notary” on Facebook ‼️

PWEDE NA BA MAG-PANOTARYO ONLINE? ⚖️ sa ilalim ng e-notarization platform based sa Supreme Court Rules on Electronic Notarization (A.M. No. 24-10-14-SC).

✅ Oo — effective na ang Rules noong March 24, 2025. Pero bagong-bago pa lang ang rollout. Nagbukas lang ng accreditation para sa ENF Providers noong December 9, 2025, at hanggang ngayon kakaunti pa ang accredited na platform. Kaya kaunti pa rin ang mapagpipilian.

✅ ANO ANG PWEDE:
Remote Electronic Notarization (REN) — video conference sa harap ng commissioned Electronic Notary Public (ENP). Hindi na limitado ang ENP sa isang lungsod. Nasa Mindanao ka, notaryo nasa Maynila? Pwede na.

❌ HINDI ITO:
Hindi self-service app. May tunay na notaryo pa rin. Hindi ang AI o blockchain ang nagno-notaryo — verification at audit trail lang iyon.

⚠️ SA MGA OFW:
Kailangan pa rin na nasa Pilipinas ang lahat ng parties sa pipirma. Para sa mga nasa labas ng bansa, may "limited extraterritorial provision”
— pero kailangan nasa loob ka ng Philippine Embassy, Consulate, o Honorary Consul's office, at nasa Pilipinas ang ENP. Hindi ito shortcut.

💡 MGA TIP BAGO KA MAGPA-ONLINE NOTARY:**

1. I-verify muna kung tatanggapin ng receiving party. Ito ang pinakamalaking practical na problema ngayon. Bago ka magpa-e-notaryo, tanungin muna ang ahensya, bangko, registry, o institusyon kung tatanggap sila ng electronically notarized document. Pwedeng valid ang notaryo mo sa batas pero ang pagbibigyan mo ay hindi pa naka-adjust ang intake procedure. Sayang ang bayad at oras.

2. Hindi lahat ng notaryo ay ENP.
Ang mga notaryo sa ilalim ng 2004 Notarial Rules ay HINDI automatic na ENP. Hiwalay na aplikasyon iyon sa Electronic Notary Administrator, may sariling requirements at summary hearing. Kaya kung may nag-aalok sa'yo ng "online notarization," itanong: *Commissioned ENP po ba kayo? Ano pong accredited ENF ang gamit ninyo? Kung hindi makasagot — huwag mo ituloy!

3. Electronic documents lang ang saklaw. PDF o PDF/A. Ang paper documents na may handwritten signature, notarial wills, at depositions ay nasa 2004 Rules pa rin.

May mga nag-aalok at mag-aalok ng "instant online notary" sa Facebook. Walang legitimate na e-notarization na walang live video appearance at ID verificatioion.

📩 Message us for document preparation/verification assistance.

💰Sagot sa poll namin kanina: Ang Pag-IBIG MP2 (Modified Pag-IBIG II) ay isa sa mga paboritong "parking spot" ng savings ...
09/08/2026

💰Sagot sa poll namin kanina: Ang Pag-IBIG MP2 (Modified Pag-IBIG II) ay isa sa mga paboritong "parking spot" ng savings ng maraming OFW — secure kasi (government-backed) at tax-free ang dividends. ✅ 100% online ang buong proseso!

📊 Bakit ito paborito ito ng ating mga smart kababayan: Umaabot sa 7%+ dividend rate sa nakaraang mga taon — mas mataas kumpara sa regular bank savings/time deposit, at walk pang tax ang kita mo.

Paano Mag-Simula:

1️⃣ I-check ang Prerequisite
Kailangan mo ng active Pag-IBIG Regular (MP1) Membership. May existing contributions ka na? Active na ang account mo. Kung lapsed na, pwede mo itong i-update online bago mag-enroll sa MP2.

2️⃣ Buksan ang MP2 Account Online
Pumunta sa Virtual Pag-IBIG Portal → E-Services → Apply for/Manage MP2 Savings. Ilagay ang Pag-IBIG MID Number, buong pangalan, at birthdate mo. Piliin ang:
- Monthly contribution mo (minimum ₱500, walang maximum)
- Dividend payout: Compound (mas malaki ang tubo pagdating ng 5 years) o Annual Payout (taunang credit sa bank account mo)
- Source of Funds: OFW Earnings/Remittance

I-save ang 12-digit MP2 Account Number mo pagkatapos.

3️⃣ Magpadala ng Pera Mula Abroad:
Maraming paraan:
✅ Virtual Pag-IBIG Direct Payment (GCash, Maya, Visa/Mastercard)
✅ OFW remittance partners tulad ng Remitly, Wise, WorldRemit
✅ Philippine banks abroad (BDO, PNB, Landbank branches)
✅ Padala sa pamilya, tapos sila na ang magbayad via GCash/Maya/7-Eleven

💡 Good to Know:
- Walang strict deadline — flexible ang contributions mo, hindi ka nawawalan ng dividends kahit may naskip na buwan
- Pwede kang magkaroon ng maraming MP2 accounts — hal. isa para sa kids' education, isa para sa retirement
- 100% tax-free ang dividends, at government-backed pa.

09/08/2026

Hindi lang pang-negosyo ang OWWA. May tulong din sa oras ng sakuna, sakit, at kagipitan. 🙏🇵🇭

🌪️ Welfare Assistance Program (WAP). Para sa mga OFW at pamilya na naapektuhan ng calamity, namatayan ng mahal sa buhay, o may medical emergency. Ito ang safety net kapag hindi ka pasok sa ibang programa.

✈️ Repatriation Services para sa Distressed OFWs
Naipit sa abusadong employer? May gulo o giyera sa bansang pinagtatrabahuhan mo? Nagkasakit? May libreng:
• Air ticket pauwi (kung kailangan)
• Airport meet-and-assist
• Temporary shelter / halfway
• Medical referral at counseling

📚 Skills Upgrading at Job Placement
Libreng training para sa bagong kasanayan at tulong sa paghahanap ng trabaho dito sa Pilipinas.

💼 Pathways sa Enterprise Loans
Sa partnership ng OWWA sa ibang ahensya, may daan papunta sa mas malaking puhunan kapag handa ka nang mag-expand.

Ang mahalagang tandaan: Kahit natapos mo man ang contract mo nang maayos, o napauwi ka nang maaga dahil sa problema sa employer, sakit, o kaguluhan — may nakalaang tulong para sa'yo. Huwag mahiyang lumapit sa pinakamalapit na OWWA Regional Welfare Office.

⚠️ Paalala: LIBRE ang mga serbisyong ito. Huwag magbayad sa sinumang nangangakong "papabilisin" ang proseso.

May kakilala ka bang OFW na kailangan nito? I-share mo ito sa kanila. ❤️

Kailangan ng tulong sa documents, sworn statements, o requirements? 📩 Message us.

Address

Buendia
Makati
1230

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metric Accounting and Process Solutions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Metric Accounting and Process Solutions:

Shortcuts

Share