04/04/2022
Kayo ba ay isang organisasyon na may layuning makatulong sa mga nangangailangan? O isang asosasyon na nagsusulong ng mga interes at kapakanan ng inyong mga myembro o ng isang sector?
Kung gayon, maaari ninyong irehistro bilang isang nonstock corporation ang inyong organisasyon, asosasyon o grupo sa Securities and Exchange Commission.
Alamin kung paano magparehistro bilang nonstock corporation, sinu-sino ang maaring magprehistro at anu-ano ang mga benepisyo nito sa aming webinar on "Registering and Protecting Nonstock Corporations" sa April 8, 1:00PM via Facebook Live.
Mag-register dito para makatanggap ng e-certificate: https://bit.ly/RegistrationofNonStockCorporations
Para sa karagdagang impormasyon, BISITAHIN: https://www.sec.gov.ph/2021-world-investor-week/