17/07/2026
PINAKAMALAKING SOLAR-BATTERY FACILITY SA MUNDO, KAYANG MAG-SUPPLY NG KURYENTE SA 2.4M BAHAY
Pinasinayaan sa Gapan City, Nueva Ecija ang MTerra Solar Phase 1, na itinuturing na pinakamalaking operational integrated solar at battery facility sa iisang lokasyon sa buong mundo.
May 1,373 megawatts na solar capacity at 825 megawatts na battery storage ang pasilidad, na inaasahang makapagbigay ng malinis na kuryente sa humigit-kumulang 2.4 milyong kabahayan.