toner's compatible for SALE at ARRA enterprise.

Directions

toner's compatible for SALE at ARRA enterprise. TONER's and INK's SALE 🔵🔴🟡⚫ a very low price Original printout Available all colors
High Quality inks,
ENTERPRISE

05/10/2026

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng bagong memorandum na nagbibigay-daan sa pagbawi ng lisensiya ng mga motorista na mapatutunayang naglagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng mga pedestrian, kasunod ng naunang anunsiyo nito tungkol sa panukalang "One Strike Policy."

Sa ilalim ng Memorandum No. MVL-2026-229 na inilabas ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, nakasaad ang mga proseso sa pagdodokumento, pag-iimbestiga at pagdedesisyon sa mga kasong kinasasangkutan ng mga motorista na posibleng nagdulot ng panganib, pinsala o kamatayan sa mga pedestrian.

Ayon kay Lacanilao, kinakailangan ang mas malinaw at mahigpit na pagtugon sa mga insidenteng kinasasangkutan ng mga pedestrian upang matiyak ang kanilang kaligtasan at mapanagot ang mga motoristang lumalabag sa batas.

Sa ilalim ng bagong memorandum, agad na iimbestigahan ng kinauukulang tanggapan ng LTO ang mga insidente kung may sapat na batayan upang maniwalang nagamit ang isang sasakyan sa paraang naglalagay sa panganib sa publiko.

Maaari ring ideklarang "Improper Person to Operate a Motor Vehicle" ang isang motorista alinsunod sa Section 27(a) ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code. Maaari itong maging batayan ng pagbawi sa lisensiya, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at proseso ng due process.

Saklaw ng memorandum ang mga insidenteng nagaganap sa mga itinalagang pedestrian lane at tawiran. Kabilang sa mga protektadong pedestrian ang mga bata, senior citizen, persons with disabilities (PWDs), mga gumagamit ng wheelchair, tungkod at iba pang mobility device.

Saklaw din nito ang mga nagtutulak ng stroller at kariton, mga bumababa o sasakay pa lamang ng sasakyan, gayundin ang mga traffic enforcer, road worker at iba pang awtorisadong tauhan na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kalsada.

Gayunman, nilinaw na hindi awtomatikong babawiin ang lisensiya ng isang motorista sa tuwing may insidenteng magaganap sa pedestrian lane. Isasaalang-alang pa rin ng LTO ang mga pangyayari, kabilang ang kilos ng pedestrian, resulta ng imbestigasyon at pagsunod sa tamang proseso bago magpataw ng kaukulang parusa.

Muling pinaalalahanan ng ahensya ang mga motorista na magmenor ng takbo at magbigay-daan sa mga pedestrian, lalo na sa mga itinalagang tawiran at mga lugar na maraming tumatawid, upang maiwasan ang mga aksidente at mapangalagaan ang buhay ng bawat isa.

pm/dm ...
22/08/2026

pm/dm ...

22/08/2026
sa mga naghanap diyan...
09/06/2026

sa mga naghanap diyan...

20/02/2026
30/01/2026

28/01/2026

thank you po...sa uulitin...
order lang po kayo palagi...God bless...

Address

Buendia
Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when toner's compatible for SALE at ARRA enterprise. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share