22/07/2025
May nabili kang lupa na naibenta na pala sa iba π₯Ί
May magagawa ka pa ba kung biktima ka ng tinatawag na double sale?
Ayon sa batas (Civil Code, Art. 1544), ang pagaari o ownership ng isang bagay na ibinenta sa dalawang magkaibang Buyers ay mapupunta sa kung sinoman sa kanila ang unang magtake possession o makakakuha ng bagay na binili nila, in good faith.
Kapag real property naman, halimbawa ay bahay o lupa, ang pagaari o ownership nito ay mapupunta sa kung sinoman sa dalawang Buyers ang mauunang makapagpa-rehistro nito sa Registry of Deeds (ROD) sa kanilang pangalan, in good faith.
(Tandaan, kailangan ay "in good faith" upang magamit ang batas na ito. Dahil kung hindi, kahit una ka pang nakapagpa-rehistro ay maaari kang matalo nung ibang nakabili).
Kung wala naman sa kanila ang nagparehistro sa Registry of Deeds (ROD) ay mapupunta ang pagaari nito sa unang tumira or nagtake possession ng nabiling lupa o bahay.
Kung wala naman daw sa kanila ang nagparehistro o nagtake possession ng nabiling lupa o bahay, mapupunta ang pagaari o ownership nito doon sa kung sinoman sa kanila ang naunang bumili o makapagpapakita ng mas naunang bentahan.
Kaya, balik sa tanong, kung ikaw ay biktima ng double sale, ibig sabihin ay nakabili ka in good faith, halimbawa, ng isang lupa na nauna na palang naibenta sa iba, may magagawa ka pa ba? Ang sagot, base sa batas, ay MAAARING meron pa.
Dito papasok ang SC&C Conveyancing upang matulungan kayong asikasuhin ang pagpaparehistro at pagpapalipat ng titulo sa inyong pangalan ng nabili ninyong pagaari kung kayo ay walang sapat na panahon na igugugol para sa paglalakad at pagsasaayos nito.
Paki-SHARE po ng SC&C Trivia for more practical conveyancing tips. Salamuch! π