04/10/2024
𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐎𝐍 𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍
Inaanyayahan ang mga residente ng Barangay Hulong Duhat at mga kalapit na barangay na makiisa sa pagpapatuloy ng Malabon Ahon Medical and Dental Mission Caravan sa Oktubre 5, 2024 sa ganap na alas-otso (8) ng umaga hanggang alas-dose (12) ng tanghali sa Barangay Hulong Duhat Covered Court.
Ang proyektong ito ay inisiyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon upang patuloy na tugunan ang pangkalusugan na pangangailangan ng bawat taga-Malabon.
Narito ang mga libreng serbisyo na maaaring matanggap ng mga nais magpakonsulta.
- Medical Consultation
- Dental Services
- Family Planning
- Nutrition Services
- Sanitation
- Philhealth Konsulta Package
- Human Papilloma Virus (HPV) Vaccine para sa edad siyam (9) hanggang labing-apat (14) na taong gulang.
Manatiling nakaantabay sa aming page para sa mga susunod na schedule sa ating lungsod.