12/06/2026
🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
Hindi naging madali ang pagbuo ng isang pangarap. Maraming pagsubok, maraming pagkakamali, at maraming araw na gusto mo nang sumuko. Pero gaya ng kwento ng ating bansa, natutunan nating tumayo, lumaban, at magpatuloy.
Ngayong Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang namin hindi lang ang kasaysayan ng Pilipinas, kundi ang katatagan ng bawat Pilipinong patuloy na nangangarap para sa sarili, sa pamilya, at sa bayan.
Maraming salamat sa inyong suporta sa Pink Bar Boutique. Sama-sama nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino.