30/09/2026
ISA SA HAMON SA WATER STATION: CUSTOMER NA PRESYO ANG UNANG TINITINGNAN. ☺️
“Boss, magkano po isang gallon?”
Kapag may mas mura, doon agad napapatingin. Pero tandaan natin, magkakaiba ang bawat water station—magkakaiba ang proseso, equipment, maintenance, operating expenses at level ng serbisyo.
Hindi naman laging ibig sabihin na mas mura = mas maganda,
at hindi rin ibig sabihin na mas mahal = mas maganda.
Ang mahalaga, alam ng customer kung ano ang binabayaran niya at komportable siya sa quality, cleanliness at serbisyo na natatanggap niya. 💧
Sa water business, hindi lang presyo ang pinagtutuunan ng pansin.
Presyo man o kalidad—may kanya-kanyang priority ang bawat customer. 😊
👉 Ikaw, kapag bumibili ng tubig, ano ang mas tinitingnan mo: PRESYO, KALIDAD, o SERBISYO? 💧