Manila Private Investigator

Directions Website

Manila Private Investigator Recommended by politicians,high profile businessmen,celebrities and even an ordinary employee.Manila

18/10/2026

Ladies , yung ganitong lalake ang dapat na iiwasan nyo.

sabi nga nung isang babaeng model sa case na nahandle namin with vawc,

"ibabalik ko lahat ng sinustento at ginastos mo saken, pero paano naman yung pag gamit mo sa katawan ko?"

Pag binigay na yung pera o ginastos na, dapat di na binabawi EXCEPT nalang kung NILOKO KA HARAP HARAPAN at NAHULI . 🤪

and Guys, responsibility natin gastusan ang mga babae , sila nga ginagastusan nila sarili nila nung single sila, so dapat pag naging kayo na eh gastusan mo din . sino ineexpect mo gagastos sa kanila, eh ikaw yung jowa o asawa hahaha.


07/10/2026

Dear Land Transportation Office - Philippines ,

madami po nagtatanong samin , kaso hindi din po namin alam ang isasagot .

Lets say, nirevoke na ang lisensya ng isang tao (ok alam natin wala na magagawa dun)

pag sinabi na "naka alarma na yung sasakyan" , ang tanong ano na daw po mangyayare sa sasakyan?

Lets say, narevoke yung license kakacellphone while driving tulad nung mga nasa post nyo, ibig bang sabihin hindi na magagamit yung sasakyan forever?
syempre ibang scenario yung kay derek ramsay at sports car nya na naconfiscate due to papers naman from BoC .

lets just say na average na sasakyan na nabili ng tama sa regular na car dealership , nrevoke forever or 2 years yung license ng offender, then naalarm yung sasakyan .

salamat sa nga sasagot. 😄


02/10/2026

kung saan saan na naman napupunta si Manila Private Investigator. local travels muna tayo 😉

02/10/2026
28/09/2026

Cheating Partner Package
Background check
lifestyle check
Asset Research

are on 30% discount until the end of september .

ano ang mensahe mo kay lakam chiu ? " ano nga ba ang black card sa mga casino? " sa bawat casino, merong highest member....
21/09/2026

ano ang mensahe mo kay lakam chiu ?

" ano nga ba ang black card sa mga casino? "

sa bawat casino, merong highest member.
madalas 4 levels (tier is what players call it)
so to cut it short, ang black card ang highest membership.

sa City Of Dreams , ang black card ay tinatawag na Dragon vip

sa Solaire , Diamond vip.

sa Okada , Maharlika vip.

bigyan ko kayo ng close estimate sa kung gaano kahirap magkaroon ng black card.
sa mga sugarol or player sa casino, pag alam nilang nkablack card ka, ibig sabihin ibang level ka na.
although madaming "juging" or "miron" ang may black card dahil sa mga boss nila pero madalas pag may black card ka, ibig sabihin madami kang pera noon o madami ka talaga pera.

bakit ko nasabing madami kang pera noon?
kasi karamihan ng ngkakaroon ng black card, lubog na, ibig sabihin naubos na nila yaman milyon milyon nila kaya sila nagka black card.

pero dun sa ngpost about kay ms chiu at dun sa amount ng nawawalang pera daw ,mejo may mali , hindi kami naniniwala. baket?

kasi po , kulang ang 44 million para maging black card member ka.
for sure , more than 50m ang nailaro ni ms chiu para magkaroon ng black card. baka nga nasa 100m pa.

iclarify ko lang ha? hindi porket may 100million ka papasok ng casino, automatic may black card ka na, kelangan mo muna maglaro at mgearn ng points.

ang 1 point, napakahirap iearn nyan, kahit tumaya ka ng isang beses ng 100k sa baccarat, baka nasa 20points o 30points lng makukuha mo baka wala pa.

ibig sabihin pag pumasok ka ng casino na may 100million ka, need mo laruin yan at paikutin para mgearn ng points.
malaki ang possibility na maubos mo ang 100million mo pero hindi ka pa din black card member. kelangan mo manalo.

there are times na papayagan ka nila maging black card member kung inendorse or kilala kang tao or kilala ka ng ibang vip at madami talaga pera mo.

another way is yung tinatawag na MATCH CARD sa mga casino.

ibig sabihin, kung NAEARN at naging black card ka na sa isang casino, pag pumunta ka sa ibang casino, automatic bibigyan ka na din ng black card. minsa 1 level below.
May data base kasi ang mga casino ng mga vio members ng ibat ibang casino.
kelangan mataas ang playing points mo.

Uulitin ko, para magka black card ka, hindi lang 10million o 20million o 40million ang kelangan mo laruin.
alam ng mga player sa casino yan.
bakit namin to alam??? saan namin to nakuha???

ay Oo nga pala , DRAGON MEMBER po pala ako ng city of dreams at Maharlika member naman ng okada 😅
atin atin lang hahahaha

photo credits to showbiz phillippine daily news


Mortal Enemy. Sa school noong 90s , tinuturo at mababasa sa mga libro na kapag Sinabing Aquino , mortal na kalaban ng mg...
16/09/2026

Mortal Enemy.

Sa school noong 90s , tinuturo at mababasa sa mga libro na kapag Sinabing Aquino , mortal na kalaban ng mga marcos.
Pag napagusapan si late pres marcos , laging kadikit ang pangalan ni ninoy.

then eventually along the way , minana na ng mga anak at kamaganak.
palaging may kontra at may issue.

naging presidente si cory, then si noynoy, nakapasok ng senado si tito bbm , lumaban na vice .
basta may galaw ang marcos o aquino laging hinihingian ng reaction yung kabila. Nasanay na tayo ng ilang dekada na ganun.

Nakabalik si Tito BBM sa pagkapresidente at malaking part si ate sarah dun.

Ngayon, mukang magiiba na.

Kung dati , Marcos at Aquino.

Ngayon, gumawa ng bagong mortal na kalaban ang mga marcos , hindi nakahanap, pero sila ang gumawa, ang mga DUTERTE.

Hindi na nakuntento sa pagpapahuli at pagpapadala sa the hague si lolo Duterte, nakatatak na yan sa history, locally at internationally, ngayon sinusubukang iimpeach si ate sarah.

worst case is baka sa the hague na mamaalam si lolo rodrigo 😞 wag naman sana. sana makauwi pa sya.

and for sure magiging life mission ng mga duterte na makaganti sa mga marcos in any means.
for sure , ilang henerasyon ang mgmamana ng away na to.

sa history ng pilipinas , tatatak ang away Marcos at Duterte. Na kung sa tutuusin, hindi naman dapat nangyare at dapat na naiwasan.

at the end of the day, nakaka awa nalang, mas malayong madaming tao pa ang masama kesa kay lolo duterte , si great grand lolo enrile nga at si imelda , pinagbigyan nalang na wag makulong due to age tapos yung isang matanda, hinayaan nalang makulong sa ibang bansa pa.

Pwede naman na dito nalang sa pilipinas.
si lolo duterte man yan o hindi, sobrang nakaka awa.

yung thought na baka dun na sya mamatay, nagiisa , grabe.

tito BBM , hindi pa huli ang lahat. iuwi mo na si lolo duterte , maiiwasan pa ang gulo lalo na pag nanalo si ate sarah.

Pag nahuli mo sya, ano ang gagawin mo? -cheating partner package
13/09/2026

Pag nahuli mo sya, ano ang gagawin mo?

-cheating partner package

04/09/2026

Pag ordinaryong mamamayan to o si VIOLAGO, katakot takot na kaso , revoke ng license and all at parang kriminal ituring.
coding ka nga lang, kulang nalang murahin ka na ng mga enforcer or what.
tapos eto, tadtad na ng violation pero parang wala lang.

Pag nakaupo, andun na yung bad intent na mgpalit ng plaka, sya na mismo umamin, ngbayad at gumawa ng krimen INTENTIONALLY , pero parang wala lang.

ang pinaka nakakabahala dito is yung the way nya iadmit yung kasalanan nya, ni walang remorse or pagsisisi, proud pa sya na nagbayad daw sya ng dine and all 😂.

baka ang masuspinde pa ang license dito is yung driver. 🤪

hindi kami hater pero this is a very good example.

tito BBM , naniniwala pa din kami na may chance mo pa baguhin ang takbo ng administration po. simulan nyo po sa mga ganitong bagay.

lets pray for the philippines.

Let us clear this thing ONCE AND FOR ALL. You can't PLEASE all clients. Let me explain. we are entering our 11th year in...
30/08/2026

Let us clear this thing ONCE AND FOR ALL.
You can't PLEASE all clients.

Let me explain.

we are entering our 11th year in the private investigation industry.

Ilang Libo na ba ang naging client namin, Ilang daang inquiry ba tinatanggap namin daily o weekly?

Ilan ba ang good paying clients? ilang ba ang politicians? ilan ba ang famous people na clients namin? sagot ? SOBRANG DAMI.

lastly, ilan ba ang dissatisfied clients? bilang lang po sa daliri.

For some cases specially CHEATING PARTNER cases, emotional ang mga clients namin jan.

Like any other business, meron at meron magsasabi na hindi sila satisfied sa service na nakuha nila.

Starbucks has the best customer service , they are the best figure pagdating sa customer service and satisfaction but does it mean 100% ng clients or customers nila are satisfied?

same thing samin, lalo na yung mga "wife" na niloko ng asawa nila, emotional mga yan, pg ngkamali sila sa utos nila samin or sa info na meron sila, ending kami pa din naman sisisihin.
Normally sa mga clients namin sa cheating partner, nghahanap sila ng outlet na paglalabasan ng frustrations nila or galit, kahit nga mga anak ng mga yan minsan napagiinitan nila, mga staff nila and others so syempre normal lang din na minsan frustrated sila samin.

Iclear lang po natin maige, pag hinire nyo kami, hindi nyo po kami tauhan, hindi nyo kami emplyeado at hindi nyo kami alipin.
Service provider po kami na iilan lang ang ganitong service sa pilipinas. Iilan lang kaming legit.

Normally, client namin sinusunod namin, kung kelan susundan asawa nila, kelan kami mgreport, kelan kami mgwork sa field and all pero pg needed, kami dumidiskarte.

So halimbawa, si wife, sinabi nya na "bukas sundan nyo asawa ko sa visayas avenue or commonwealth gamit nya yung tesla namin , susundin namin yun.

so if kinabukasan, pumunta kami ng maaga, tapos biglang hindi lumabas yung asawa ng client or ibang sasakyan yung ginamit imbes na tesla eh fortuner pala, anong gagawin namin eh ngbase kami sa info ng client?
tapos kami sisisihin?
all documented.
so paano yung oras namin? paano yung pagod, yung pagkain, yung gas, sweldo ng tao? so thank you nalang ba?

walang perfect business, and fair kami lagi sa mga client, pag mali namin kami pa mismo ang makkipagcompromise at hihingi ng sorry, thats courtesy and professionalism.

Pag client ang ngpatigil ng work kahit na nasa work na kami, kasalanan ba namin yun? hindi ba kami sapat bayaran? hahaha.

and lastly, linawin lang natin to,

iilan nalang ba kaming mga legit na PI?
para lang po sa kaalaman ng iilan, wala na kami sa 10 na existing na talagang matagal na sa industry, parang tatatlo nalang,

ang Manila Private Investigator ang dahilan bakit madami ang gusto maging PI dito sa pilipinas, thats a fact.

This is not to brag, pero hindi po kami naghahabol ng clients or cases,
Clients po ang nghahabol samin at sa schedule namin, do we run ads? no. do we do marketing, no more, kasi established na kami.

80% ng clients namin ay refered ng previous clients namin.
Specially mga politicians and government officials and VIPs.
karamihan ng big cases namin, nirefer at hindi po dito sa social media nakuha.

Uulitin ko, CLIENTS NEEDS MPI,
dahil iilan lang ang legit na PI dito sa pinas.

Hindi kami worried sa sales namin or what, mas worried pa kami na madaming clients ang nasscam ng mga pekeng PI at ngpapanggap kakahanap nila ng mura na fees.
Ilan na ba pinahuli namin na scammer na PI, ilan na ba yung nanira samin na nagsabing ipapasara kami pero nauna pa silang nawala? Kasi nga wala kami kalokohan kaya until now, my kaso ba kami? wala. May issue ba kami ng pangsscam? wala. puro mga gawa gawang kwento siguro meron para lang mawalan kami clients.
Kung manloloko kami, matagal na sana kaming napasara.

so ayun lang,
our satisfied clients specially big names can vouch for us. Bawal lang kasi kami mgbanggit dito, pero nako po apakadami naming high profile clients na walang problem magbayad at di nagiinarte.
mas madami pa yung feeling clients na akala mo milyon milyon binayad kung makapaginarte eh kasalanan naman nila mga kapalpakan nila sa buhay and kaya nga kami andito na hinahire nila para ayusin yung buhay nila at bigyan sila ng peace of mind 😁

And I Thank You (bow) 🤞🏼



Address

157 San Francisco Street Plainview
Mandaluyong
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila Private Investigator posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share