Mangaldan Fitness Hub

Mangaldan Fitness Hub Whey Protein Reseller

14/04/2020

TOTAL LOCKDOWN /CURFEW 24hours NEEDED???

Pag di pa rin kayo sumunod na mag stay at home. Eto ang magiging senaryo...
1. 100% ma eextend ang quarantine. 2-6 months
2. From enhance quarantine magiging Total lockdown.
3. Mauubusan na ng lakas mga frontliners natin.
4. Kukulangin na sa supply ang gobyerno
5. Pipiliin na lang kung sino isasakripisyo.
6. Malulugi ang mga negosyo, tuluyang magsasara.
7. Wala na tayong babalikan na trabaho.
8. Lalong magugutom pamilya natin.
9. Hihina ang immune system dahil sa kakulangan ng sustanya ng kinakain.
10. Dadapuan ng sakit.
11. Magsisisi ka, na sana sumunod ka sa Stay At Home na utos.
12. Malamang bukas wala ka na.
13. Di ka na ibuburol di ka rin ililibing, Susunugin ka na lang kasi matigas ulo mo.
14. Tapos maalala ka ng mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay mo sa ganito... "Ah si Juan natigok yan kasi matigas ulo, dinamay pa pati pamilya nya."
Kaya please! please lang, sumunod tayong lahat. Sad but true! Kaya PLEASE STAY AT HOME and PRAY!😷 ctto



ctto

Be responsible.Shared post ctto.
23/03/2020

Be responsible.
Shared post ctto.

22/03/2020
12/03/2020

HUWAG MAGPAKABUSOG
Payo ni Doc Willie Ong

KAIBIGAN, isang magandang payo para sa ating kalusugan ay ang pagbabawas sa ating kinakain. Bilang pagpapatunay, ang mga tao ng Okinawa sa Japan, ay may pinakamahabang buhay kumpara sa ibang tao. Maraming taga-Okinawa ang lampas sa 100 taon.

Gusto ba ninyong malaman ang sikreto ng mahabang buhay nila? Sagot: Hindi sila nagpapakabusog. Basta may laman lang ang tiyan nila ay puwede na. Hindi naman sila gutom ngunit hindi rin sila busog na busog.

May mga pagsusuri na nagpapakita na ang mga taong payat ay mas humahaba ang buhay kaysa sa mga taong sobra ang timbang. Tumingin kayo sa inyong paligid, ilang mga matatabang tao ang kilala ninyo na lampas na sa edad 70? Kadalasan ay magkakasakit na sila ng diabetes, sakit sa puso at altapresyon. Ang mga payat na tao naman na mababa ng 10-15% sa kanilang tamang timbang ay mas mahaba ang buhay.

Bakit masama ang pagkain nang labis?

Ang pagkain ng labis ay nagdudulot nang masamang epekto dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito. Dodoble ang trabaho ng ating atay, pale (pancreas) bato at puso dahil sa sobrang pagkabusog. Tataas din bigla ang ating asukal sa dugo (blood sugar). Kapag labis ang kinain mong karne, marami ring dumi (na kung tawagin ay “free radicals”) ang ilalabas nitong mga pagkain.

Kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain ng “high nutrient at low calorie diet.” Ang ibig sabihin ay mataas sa nutrisyon ang iyong dapat kainin pero mababa naman sa calorie. Para matupad ito, subukang kumain nang mas maraming gulay, isda, prutas, beans at soy products (tofu, taho, tokwa).

Bawasan ang pagkain ng karneng baka at baboy, matatamis na inumin, at matatabang pagkain. Medyo limitahan din ang pagkain ng kanin (mga kalahati o 1 tasang kanin lang bawat kainan), pero damihan na lang ang gulay at prutas. Kung mababawasan mo lang ng 10% ang iyong kinakain ay pupuwede na.

Ang isa pang kasabay na payo ay ang pagkain ng 5-6 na beses sa isang araw, pero pakonti-konti lang. Ang isang saging, mansanas o pandesal ay puwedeng pang-meryenda na.

Sa ganitong paraan, dahan-dahan ang pagpasok ng nutrisyon sa katawan. Mas maginhawa ito sa mga organ ng ating katawan. At marahil dahil dito, kaya humahaba ang buhay ng mga taga-Okinawa. Gayahin natin sila. Huwag magpakabusog.

11/03/2020
18/02/2020

Ulcer, Sakit sa Tiyan, Acidic, Sinisikmura : Heto Gagawin

Bakit Kumukulo ang Tiyan Kapag Gutom?
Ni Dr Willie Ong

Kapag maingay ang iyong tiyan, maraming kadahilanan ito. Una sa lahat, ang tunog na naririnig ay maaaring galing sa bituka o small intestines, at hindi sa tiyan. Ang masel ng bituka ay talagang humihilab at tumutunog. Ito’y para gumalaw ang likido at hangin sa loob ng ating tiyan.
Puwedeng kumulo ang tiyan kung gutom o kahit busog tayo. Normal na magkaroon ng tunog ang tiyan.
May mga pagkakataon na mas malakas ang tunog o pagkulo ng tiyan.
1. Kapag nagugutom tayo, humihilab ang sikmura at bituka para ilabas ang natitirang pagkain na kinain mo. Kapag nakakain ka na ay mas tatahimik ang iyong tiyan.
2. Kapag na-stress ka, puwedeng may paikot-ikot na sakit sa tiyan, kasama na ang paghilab ng bituka. Ito ang tinatawag sa Ingles na “butterflies in your stomach.”
3. Kapag nakakain ng panis o maduming tubig, puwedeng humilab ang tiyan bago magtae. Gastroenteritis o impeksyon na nakuha sa maduming pagkain ang dahilan nito. Uminom ng maraming likido (tubig, sopas o lugaw) at kumain ng saging.
4. Kapag may ulcer o hyperacidity, sumasakit sa itaas ng tiyan sa lugar ng sikmura. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.
5. May iba pang dahilan ang pagkulo ng tiyan tulad ng bulate, bato sa apdo (gallbladder stone) at kanser. Kumonsulta sa doktor.
6. Kahit gaano ka kaswerte sa buhay, huwag na huwag mo sanang kalimutan ang Diyos na gumagabay sayo.
7. God bless po.

12/02/2020

Nguyen Thi Loan purchased rejected coffee beans and dyed them with black powder she extracted from D batteries.

Credit s to the owner
03/02/2020

Credit s to the owner

Address

Mangaldan
2432

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mangaldan Fitness Hub posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share