25/04/2026
Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pangunguna ni Kalihim Jonvic Remulla, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na regulasyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lahat ng komunidad:
1.
Pagbabawal sa Pag-inom ng Alak sa Pampublikong Lugar: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkonsumo ng alkoholikong inumin sa mga lansangan at iba pang pampublikong espasyo.
2.
Curfew para sa Menor de Edad: Paiigtingin ang pagpapatupad ng curfew para sa mga indibidwal na menor de edad, alinsunod sa umiiral na lokal na ordinansa.
3.
Wastong Kasuotan sa Pampublikong Lugar: Ipinagbabawal ang paglabas o pananatili sa pampublikong lugar nang hindi nakasuot ng angkop na damit, kabilang ang pagiging walang pang-itaas.
4.
Regulasyon sa Ingay (Videoke at Katulad): Ang paggamit ng videoke o anumang kagamitan na lumilikha ng malakas na ingay ay hindi pinahihintulutan paglampas ng alas-10 ng gabi, maliban kung may kaukulang pahintulot mula sa kinauukulan.
Ang pakikiisa at pagsunod ng bawat mamamayan ay mahalaga upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating pamayanan.
Makiisa tayo para sa isang at ! Sama-sama tayo sa !