22/07/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA!
Bilang pagsunod sa mga alituntunin ng Philippine Identification System (PhilSys) at sa umiiral na batas, nais po naming ipabatid sa lahat ng aming mga kliyente na:
❌ Hindi po kami tumatanggap ng ipi-print na National ID, maging ito man ay digital copy, screenshot, o anumang bersyon para sa printing.
Gayundin, hindi rin po kami nagsasagawa ng:
• Paglalaminate ng National ID
• Paglalagay ng PVC o PVC Encapsulation
• o anumang proseso na maaaring magbago, makasira, o makaapekto sa orihinal na kondisyon ng National ID.
Ang mga patakarang ito ay ipinatutupad upang mapanatili ang integridad ng inyong opisyal na pagkakakilanlan at bilang pagsunod sa Republic Act No. 11055 (Philippine Identification System Act).
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, pakikiisa, at patuloy na pagtitiwala sa Jiereian Printing Services.
📍 Jiereian Printing Services
Your Partner in Printing Excellence.