15/12/2022
Minsan, gusto kong sumigaw at sabihin sa mundo kung gaano ako hindi okay. Gusto kong sabihin na unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa at nawawalan na ng pag-asa na mabuhay. Pero imbes na gawin ko, nanahimik nalang ako at umarte na parang walang mali sa akin. Ang totoo, minsan gusto ko na lang umiyak sa harap ng lahat. Gusto kong sabihin sa kanila na unti-unti na akong sumusuko at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sarili kong pag-iisip. Lalong lumalakas ang mga boses sa utak ko at sinasabi nila sa akin kung gaano ako kawalang kwenta. Kailangan ko ng taong makakaintindi sa nararamdaman ko, pero paano ako maiintindihan ng isang tao kung hindi man lang ako makapagsalita tungkol sa nangyayari sa akin? Ni hindi ako makapagsalita sa sakit na nararamdaman ko. Pagod na ako. Sinasabi ko sa sarili ko na malapit na akong maging okay. Pero ngayon parang nawawala na ako sa katinuan. Pagod na ako sa ganitong pakiramdam. Sana makalimutan ko na lang na nasasaktan ako.