04/12/2025
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | November 26, 2025
Ano ang 𝗔𝗳𝗿𝗶𝗰𝗮𝗻 𝗦𝘄𝗶𝗻𝗲 𝗙𝗲𝘃𝗲𝗿 (𝗔𝗦𝗙)?
Ang African Swine Fever (ASF) ay isang matinding nakakahawang sakit na nakakaapekto sa mga baboy at maaaring magdulot ng malawakang pagkalugi sa industriya ng baboy kung hindi maagapan, ngunit hindi ito nakakahawa o delikado sa tao.
Sa kasalukuyan, wala pang bakuna o gamot laban dito kaya’t nananatili itong hamon sa sektor ng paghahayupan. Kabilang sa mga pangunahing sintomas ng ASF ang mataas na lagnat, panghihina, pamumula o pagbabago ng kulay ng balat, at mga problema sa tiyan tulad ng pagtatae at pagsusuka.
Sundin ang mga pangunahing paraan ng pag-iwas sa African Swine Fever. Protektahan ang ating bayan sa pamamagitan ng responsableng pagbili, transportasyon, at pag-aalaga ng baboy.
Para sa mas detalyado at kapaki-pakinabang na impormasyon, basahin at i-check ang mga larawan sa post na ito.
Source: Department of Agriculture
Source: Odiongan Public Information Office
𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 | November 26, 2025