03/09/2025
Start your journey now with us 🧡
FIRST 3 DAYS OF 3D PRINTING! ANG SAYA PALA NITO!
Dumating ang 3D Printer 10pm na dahil madami pang dinaanan si Lalamove Rider. Pagkadating, setup ng camera para makagawa ng unboxing video. Setup naman ng 3D Printer, update ng software tapos First Test Print agad. Goods naman walang aberya!
After 3 Days Ito na lahat ang naprint ko. The past 3 Days dami din inaral na settings sa slicing at kung ano-ano pa para makuha ko ang balance ng print for quality and speed. Overall test prints ko siguro 95% ang success rate. Ang dali din isetup kahit inabot ako ng 2hrs bago matapos. Acceptable naman kasi nirerecord ko pa ang unboxing at nagpapalit-palit pa ko ng angle para sa camera. Kung wala siguro unboxing video less than 1hr tapos na ko.
Pandemic Days pa yata noong nagkaroon na ko ng interes sa 3D Printing pero parang ang hassle aralin noon kasi ang dami pa kakalikutin, kaya maswerte ako at nasa perfect timing para simulan ang 3D printing journey ko dahil mas madali na ngayon icalibrate ang 3D Printers specially Printers from Bambu Lab 3D!
If you are interested sa ganitong hobby now is the time to try it! Begginer friendly ang mga 3D printers ngayon I highly recommend din na to check CL Print It for your 3D printing needs. Again, Not sponsored just a personal recommendation dahil gustong gusto ko after sales support nila at masipag sila sumagot sa mga tanong regarding 3D Printing. Di ko lang sure kung tungkol sa Math ang itatanong mo at matutulungan ka pa din nila, pero try mo pa din 🤣
PS: Kaya pala single color lang kasi buzzer be**er ako nung umorder, Malapit na magsara ang warehouse ng CL Print It at hindi ko na din naihabol ang pagorder ng ibang kulay ng filaments.