15/02/2024
Dam Water Levels
as of February 12, 2024, 5 a.m.
Angat Dam: 208.92 meters mula 210.35 meters noong nakaraang linggo (mas mataas sa minimum operating level na 180 meters)
Ipo Dam: 99.73 meters mula 99.93 meters noong nakaraang linggo (mababa sa maintaining level na 101 meters)
Unti-unti nang bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil na rin walang pag-ulan nitong mga nakalipas na linggo.
Gayunpaman, suspendido pa rin ang scheduled daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela hanggang sa susunod na abiso.
Samantala, may El Niño pa rin na umiiral sa ating bansa na posibleng maging dahilan upang mabawasan ang mga pag-ulan na makaka-replenish sa nasabing mga dam.
Kaya naman patuloy pa ring hinihikayat ang lahat na makiisa sa masinop na paggamit ng tubig para ang supply ay lalong mapalawig.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.