23/09/2025
NA-WRONG SEND NG 10K ANG NAKA-1-N1GHT-$T@ND KO...
Hi Ambenture, tawagin niyo na lang akong Maya, 24 years old, taga-La Trinidad, Benguet.
May story po ako to tell.
Isa akong BPO worker dito sa Baguio night shift mostly, kaya sanay na akong gising sa gabi. Sa physical appearance ko, kita mo talaga na may pagka-Igorota ako. Maputi, makinis, at yes, may accent ako ng Kan-kana-ey, pero hindi ko ikinahiya ‘yon. Actually, para sa akin, dagdag charm siya lalo na kapag nakikipag-usap sa mga tao.
Since mahilig akong mag-enjoy sa life, lalo na pag day-off, kasama sa routine ko ang bar hopping with friends. One Saturday night yun, tatlo kaming girls na lumabas. Ang saya kasi minsan lang din kami nagkakasama nang buo. So ayun, naka-makeup ako, naka-dress, feeling pretty at confident.
Hindi pa kami nakaka-second round ng drinks nang may group ng mga boys na lumapit. Mga gwapo sila, as in boy-next-door ang dating, pero halata mong may kaya yung tipong naka-branded shoes at may mga relo na hindi pang-masa. Siyempre, game kami ng mga friends ko to let them join our table.
Inuman hanggang almost 1AM. Medyo tipsy na yung tropa ko, ako naman sakto lang. Doon ko mas napansin si Zio. May pagka-Korean vibes, chinito, at mabango pa. He asked for my name and number, at hindi na ako nagpaka-hard-to-get binigay ko agad. Alam mo yung feeling na parang high school kilig ulit? Ganun.
Mga 1:30 AM, lumabas ako saglit to get some air. Sinundan pala ako ni Zio. Nag-usap kami nang mas malalim yung tipong kahit maingay sa paligid, parang kaming dalawa lang ang nag-e-exist. Then he offered to bring me somewhere else. May kotse siya, so medyo napa-impress talaga ako. Ending? Sa G1 lodge kami napunta.🤣
Doon na nangyari ang “what happens, happens.” Around 5AM, bago siya umalis, nagpadala siya ng 2,500 sa j©ash ko. Hindi na ako nakatanggi kasi na-send na. Sabi niya pa, “Ingat ka ha, I had a good time.” Kinilig pa ako slight.
Pero the real shocker came Sunday evening. Around 6PM, may pumasok na 10,000 sa j©ash ko, galing pa rin kay Zio. Napaisip ako, “Ha? Bonus?” Pero ilang minuto lang, bigla siyang tumawag wrong send daw pala. Humihingi siya ng pakiusap na ibalik ko.
Sabi ko, “Yes, wait lang, give me 30 minutes. Nasa labas pa kasi ako.” Truth? Nasa kwarto lang ako, naka-higa, naka-pajama. After an hour, tawag pa rin siya nang tawag. Honestly, wala talaga akong balak ibalik. Kasi hello? Hindi na rin naman kami magkikita taga-Manila daw siya.
Hanggang ngayon, nasa akin pa rin yung pera. At alam mo, minsan naiisip ko, kung fate ang nagbigay sa akin ng extra 10K, bakit ko ibabalik? Siya rin naman ang nagpadala, diba?
Huwag basta-basta magtiwala sa wrong send. At ako? Siguro hindi muna ako magbabar ulit. Pero admit ko, jackpot talaga.
Hi Zio, thanks for the memorable night and syempre, thanks din sa unexpected blessing. 😂 You said ‘wrong send,’ pero maybe tama lang na ako yung napadalhan. After all, sabi nga nila, kung saan ka nag-invest ng time (and effort), dun ka dapat mag-expect ng return. 😉 Don’t worry, hindi naman ako totally heartless… baka someday ibalik ko kung magkita ulit tayo, at kung worth it ka pa rin. Until then, consider it destiny’s way of saying: easy come, easy go. Ingat ka lagi, Mr. Wrong Send. 💋
I hope hindi niya po to mabasa. Pero kung mababasa mo to Zio PADIS POINT SATURDAY 11:30PM.