06/06/2019
Anak: Nay, pabili naman ako ng mga damit at sapatos para sabay ako sa uso!
Nanay : Sige 'Nak!"
"Anak: Nay, pabili ako bagong cellphone.
Nanay: Sige, 'Nak!"
"Anak: Nay, penge naman dagdag baon.
Nanay: Sige' Nak! Magkano?"
"Anak: Ma, magbi-birthday na ako, pwede ba ako magpaparty?
Nanay: Sige 'Nak para masaya sa bday mo."
"Hon, pabili naman relo, sapatos at pabango jan.
Asawa: Sige Hon."
Earlier today while walking around Central, Hong Kong, I saw these group of pinay domestic helpers having their day off on a nearby bus terminal. I randomly took a picture of them as I shed tears with what I just witnessed. When I checked the photo, I noticed that one pinay is actually celebrating her own birthday on that small space. Wow!!!
I hope this should serve again as a wake up call to all the family members of an OFW. Grabe po sakripisyo ng mga OFWs natin, wag po natin sayangin lahat ng hirap nila, dugo't pawis para lang may maipadala sa kanya kanyang pamilya. Kamustain natin sila, check natin kung okay ba sila sa lagay nila. Wag po tayo puro asa sa pasalubong. Hindi biro ang lumayo sa pamilya at hindi din biro ang sakripisyo na nagagawa nila.
To all OFWs out there, saludo po kami sa inyong lahat. Mabuhay kayong lahat! Alam namin gaano nyo kamahal ang pamilya ninyo. Kahit gaano kahirap, magtira din po kayo para sa sarili at sa future nyo. Di bali nang humindi sa gusto ng iba, kaysa pag dating ng panahon, uuwi kayo, tatanda at aasa lang sa iba.
Mabuhay po kayo!