31/07/2026
**BAKIT MAY PAYMENT FIRST POLICY? 🤔**
Simple lang po ang sagot—**negosyo po ito.**
Kapag namimili po ba tayo sa grocery, inuuwi muna natin ang mga items bago magbayad? Siyempre hindi. Ganun din po sa negosyo. May proseso at policy na sinusunod para maprotektahan ang parehong buyer at seller.
Kaya sana huwag agad isipin na kapag **Payment First** ay scam na. Marami pong lehitimong negosyo ang ganito ang sistema.
Bilang seller, pinaghihirapan din po namin ang aming puhunan. Hindi rin po namin ito basta-basta pinupulot. Kapag nag-proceed kami nang walang bayad at biglang hindi na kunin o bayaran ang order, malaking lugi po iyon sa aming negosyo.
Naiintindihan namin na gusto ninyong maging maingat, at ganoon din po kami. Kaya bukas po kami sa **legitimacy check, video call, paghingi ng business permits, customer feedback, at iba pang verification** para magkaroon ng peace of mind ang magkabilang panig.
Ang hinihiling lang po namin ay **respeto sa aming business policy.** Hindi po ito para manggulang, kundi para mapanatiling maayos, patas, at secure ang bawat transaksyon.
Maraming salamat sa mga kliyenteng nagtitiwala at patuloy na sumusuporta sa amin. ❤️
**RESPECT OUR POLICY.**
**PAYMENT FIRST.**