06/04/2021
Paano nga ba kami nagsimula? (Long post)
Noong nagstart ang pandemic last March 2020 isa sa mga concern namin ay paano na mag-aaral ang anak namin dahil mag 4 years old na siya.
Lucky hindi pa kami nakakapagdecide noong kung saang school ba namin siya ipapasok. Pero prior lockdown nakapag assessment na siya sa 2 Montessori schools.
Meanwhile, inenroll namin siya for some short virtual classes it was fun for our child. Kaso dahil online minsan kailangan sabayan yung schedule ng class or minsan mag aadjust kasi di available majority ng class. Madalas tulog siya pag may class na or wala sa mood.
Like any other Nanay na wala pang idea sa Homeschooling nagsimula kami magcheck ng textbooks napinahiram sa amin ng grumaduate ng junior casa o pre-K. And to be honest, frustrating sa amin mag-ina ito and it was not effective. Pareho lang kaming na stess.
So I needed to equip myself kasi malapit na mag pasukan wala pa kaming idea kung ano ba gagawin. Inattendan ko lahat na ata ng orientation na about sa school at doon ko na kilala ng husto ang homeschooling. Ang alam ko dati pag homeschool magagawa ka ng classroom sa bahay. Mali pala.
Nag online training/seminar din ako from The Learning Basket at udemy.
From different kinds of orientations and webinars nakapagdecide kami na wag muna siyang enroll for school year 2020-2021 dahil 4 years old pa lang naman siya. For the time being we prepared ourselves kung traditional school ba o homeschool ba for the following school year
Dahil na feel namin ang unofficial homeschooling, we have decided na Homeschooling kami for Kindergarten
From our unofficial homeschooling we have collected 80+books and we have read 40 to 50 book for 1 year. Mas na enjoy ito ng anak namin.
Special note: regardless anong ipiliin mo na mode para sa anak mo, kung saan kayo comfortable at bibigayan mo ng panahon matuturuan ang anak mo, go ka na! Anak mo yan ikaw makakalam anong best for them