22/05/2026
๐ง๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ถ ๐๐๐ฎ๐ป ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ด:
"๐๐ฒ๐น๐น๐ผ, ๐๐๐ฅ! ๐๐ธ๐ผ-๐ฐ๐น๐ผ๐๐ฒ ๐ธ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ผ ๐ธ๐ผ, ๐ฎ๐ป๐-๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป?
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป:
Upang opisyal na maisara ang iyong negosyo sa BIR sa ilalim ng bagong Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 47-2026, narito ang mga hakbang at dapat mong gawin upang makuha ang iyong Tax Clearance o Certificate of No Outstanding Tax Liabilities:
๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ญ: ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐
Siguraduhing kumpleto ang mga pangunahing dokumento na itinakda ng BIR:
โ๏ธBIR Form No. 1905 (2 orihinal na kopya)
โ๏ธOrihinal na Certificate of Registration (Form 2303), Authority to Print (ATP), at Notice to Issue Invoice (NII). (Para sa detalyadong requirements, tignan ang Section 4 ng RMC 47-2026)
โ๏ธListahan ng Natitirang Imbentaryo (Ending Inventory List) para sa VAT Registered Taxpayers. (Goods, Supplies, kasama rin ang Capital Goods)
โ๏ธMga Hindi Nagamit na Invoices/Resibo kasama ang listahan o inventory nito
โ๏ธKung isang representative o kinatawan ang maglalakad ng pagsasara ng iyong negosyo sa BIR, kailangan niyang magpakita ng karagdagang mga dokumento upang patunayan na siya ay awtorisado mo. Tignan ang Section 4(5)(a)(b)(c) ng RMC 47-2026 para sa kompletong dokumento kung Representative ang mag-poproseso ng closure.
๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ: ๐๐๐๐บ๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป (๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ผ ๐ข๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ)
Maaari kang pumili sa dalawang paraan ng paghahain:
๐ฅ๏ธ๐ข๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ (๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ถ๐ฐ)
Mag-log in sa iyong account sa BIR ORUS (Online Registration and Update System) at i-upload ang mga scanned copies ng iyong requirements. Pwede rin sa Taxpayer Registration-Related Application (TRRA).
** Karagdagan, ayon sa Section 3 ng RMC 47-2026, pinahihintulutan ang pagsusumite ng aplikasyon para sa pagsasara ng negosyo sa pamamagitan ng opisyal na email ng RDO, basta't galing ito sa rehistradong email address ng taxpayer. ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐๐บ๐ถ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐น (๐๐ฎ๐น๐ธ-๐ถ๐ป) ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ถ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐ป๐๐๐ป๐ถ๐ป.
๐๏ธ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น (๐ช๐ฎ๐น๐ธ-๐ถ๐ป)
Pumunta nang personal sa Revenue District Office (RDO) kung saan rehistrado ang iyong negosyo at ipasa ang mga dokumento sa Client Support Section.
๐กPaalala: Sa oras na matanggap ng BIR ang kumpletong requirements, hihinto na ang pag-gegenerate ng open cases para sa mga susunod na tax returns.
๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ: ๐-๐๐ฒ๐๐๐น๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด "๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป ๐๐ฎ๐๐ฒ๐" ๐ฎ๐ ๐ข๐ฏ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐๐ผ๐ป (๐ธ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ป ๐บ๐ฎ๐ป)
โข Pagkatanggap ng iyong aplikasyon, itatala ng BIR ang iyong tax types bilang "deregistered."
โข Kung ikaw ay isang Micro Taxpayer, walang mandatory audit na gagawin.
โข Kung mayroon kang mga nakaraang unfiled returns o hindi nabayarang buwis (open cases), kailangan mo muna itong bayaran o i-settle upang umusad ang iyong clearance.
Ang "open cases" ay ang mga tax obligations o required tax return filings ng taxpayer na hindi pa naisusumite, hindi pa nare-remit, o may kakulangan / discrepancy base sa records ng BIR.
๐๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ: ๐๐๐ป๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐
๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
โข Matapos ma-verify na wala ka nang natitirang obligasyon, iisyu ng BIR ang iyong Tax Clearance Certificate.
โข Para sa mga Micro Taxpayers, may mabilis na (3) working days para sa pag-isyu ng Tax Clearance mula ng ma-submit ang kompletong requirements at nabayaran o naiayos/data fix na ang lahat ng open cases.
Read more:
RMC No. 47-2026 - Prescribing Simplified and Streamlined Guidelines and Procedures in the Closure and/or Cancellation of Business Registration with the Bureau of Internal Revenue
https://bir-cdn.bir.gov.ph/BIR/pdf/RMC%20No.%2047-2026.pdf