11/08/2016
MGA URI NG BUYER San ka kaya nabibilang??
Maulang umaga pakibasa para Alam nyo kng bakit mnsan iba trato ko s inyo..ramdamin nyo na ang pagbabago..
1.)The RUSH. Yung mga buyer na kung mag-order ay last minute na, Sila yung mga buyer na atat sa order nila, Gusto pagkabayad maipadala agad yung items nila dahil gagamitin na daw kinabukasan.
2.)The PATIENT. Mahinahon silang kausap, Karaniwan sila yung mga nakaorder na dati at alam ang patakaran. Hindi nila alintana kung ilang araw bago dumating yung order nila basta ang mahalaga sa kanila ay "dadating ang order nila".
3.)The RESERVER. Mahilig silang magreserve "TAKAW TINGIN" Ika nga, Kung anong magustuhan nila pinapareserve nila. May 2 klase ng reserver. Una ay yung mga maayos kausap. Pag sinabing i-reserve sa kanila means babayaran nila in a specific date they Gave.
Pangalawa, Mga JOY RESERVER, Sila lang naman yung mga taong ayaw na ayaw ng isang seller, Yung magpapareserve, Magcocommit at pag oras na ng singilan eh bigla nalang mawawala kundi naman, sangkatutak na alibi ang maririnig mo sa kanila, Kesyo may emergency o nagout of town etc.
4.)The ZOMBIE. Mga buyer na kung magtext ay Hating gabi na, 50% Sa kanila ay gusto ng agarang reply. Ngunit pag nireplyan mo na, sila naman ang hindi magrereply parang nanttrip lang diba?
5.)The MS. / MR. COMPLAIN, Walang maganda sa paningin nila, except pag nareach mo yung expectation nila. Sila yung tipong nagrereklamo sa serbisyo mo kahit na may rules ka wala silang pakialam basta dapat masunod yung gusto nila. Sila din yung mga taong nagrereklamo pag natanggap na nila yung order nila kesyo hindi daw kasya yung inorder nya sa kanya o kaya naman eh di nya trip yung inorder nya "KNOWING NA INDICATED NAMAN YUNG DETAILS NG ORDER NYA".
6.)The PERFECTIONIST. Ayaw na ayaw nila ng sinasagot sila ng di naaayon sa kanila. Sila yung mga taong gusto eh tama sila palagi. CUSTOMERS ARE ALWAYS RIGHT daw ika nga, pero hindi ba nila alam na may kanya kanyang rules ang bawat shop?
7.)The Talking Questionaire. Lahat dapat ng tanong nila sagutin mo, mula sa pinakamaliit na detalye. Sila yung mga buyer na walang tiyaga magbasa kaya kahit paulit ulit mong sabihin na basahin nila ang note na ito ay deadma lang indeed ang isasagot nila sayo ay isa paring tanong na dapat mong sagutin.
8.)The LOVELY. Nasa kanila na siguro ang lahat, Intellectual, Understanding & Patience. Hindi rin sila palatanong at pala asa, basta sinabi mong maghintay ng ganito o ganyan eh okay lang. At once na dumating yung orders nila inuupdate ka pa kung hindi naman magbibigay ng positive feedback.
And last but not the least
9.)THE COMPARISON. Sila yung mga buyer na saksakan ng kaepalan YUN NA YUN. Mahilig magkumpara pero wala namang planong bumili.
IKAW ANUNG URI KA??
Hahaha..bawal pikon..😉
Ntawa lang po ako.
COPYPASTE KO LANG, CREDIT TO UNKNOWN SELLER😂😂😂