17/07/2026
Ang dami kong nakikitang posts lately tungkol sa hirap maghanap ng trabaho.
At totoo naman.
Pero nitong mga nakaraang linggo, narealize ko rin...
Ang hirap din pala maghanap ng kliyente. 😅
May mga proposal akong ginawa na akala ko, "Ito na yun."
Maganda yung discovery call.
Productive yung meetings.
Mukhang swak yung solution.
Proposal sent.
Tapos...
Parang nag-submit ka ng application sa isang job portal.
Complete silence.
😂
Napaisip tuloy ako.
Hindi lang pala applicants ang naghihintay ng update. Consultants din.
At habang nakaka-disappoint minsan, narealize ko rin na hindi lahat ng ghosting ay rejection.
Minsan, nagbago ang priorities.
Minsan, nawala ang budget.
Minsan, may ibang problemang kailangang unahin.
At minsan, hindi pa talaga ngayon ang tamang timing.
Ganun din siguro sa mga aplikante.
Minsan, hindi ikaw ang problema.
Business decisions are messy.
Hiring decisions are messy.
Life, in general, is messy.
Ang importante, huwag hayaang isang tahimik na inbox ang magdikta ng susunod mong gagawin.
Kung naghahanap ka ng trabaho, send the next application.
Kung naghahanap ka ng client, send the next proposal.
Kung may pangarap kang binubuo, show up again tomorrow.
Hindi natin kontrolado kung sino ang sasagot.
Pero kontrolado natin kung patuloy tayong lalabas, magpapakita, at magbibigay ng value.
Curious ako. Ano ang pinakamagandang opportunity na muntik mo nang makuha, pero hindi natuloy? At ano ang itinuro nun sa'yo?
(image for fun only! :) )