01/08/2026
๐ ๐๐ป๐ด ๐ง๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ ๐ง๐ข๐จ๐ฅ ๐ฑ๐ถ๐ป!
Kapag narinig mo ang salitang Tondo, ano agad ang pumapasok sa isip mo?
Para sa marami, may iisang kuwento lang ang Tondo. Pero paano kung sabihin naming mas marami pa itong mga kuwentong matagal nang naisulat, naipahayag, at naipamana sa pamamagitan ng panitikan?
Inihahandog ng The Heritage Collective at Tondo Writers Workshop ang "๐๐ป๐ด ๐ง๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ ๐ง๐ข๐จ๐ฅ ๐ฑ๐ถ๐ป!" Isang natatanging heritage walk na titingin sa Tondo sa pamamagitan ng mga nobela, tula, sanaysay, at iba pang akdang pampanitikan na nagbigay-buhay sa lugar na ito sa iba't ibang panahon at mula sa iba't ibang pananaw.
Sa bawat hinto, hindi lang natin pag-uusapan ang kasaysayan ng mga kalye at gusali. Babasahin din natin ang piling sipi mula sa mga akda at pagninilayan kung paano nakita, inilarawan, at naunawaan ng iba't ibang manunulat ang Tondo. Sa ganitong paraan, mas makikita natin kung paano nag-uusap ang heritage at literature sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang lugar.
Hindi layunin ng tour na sabihin kung alin ang "tamang" larawan ng Tondo. Sa halip, iimbitahan tayong makita ang lugar sa iba't ibang lente at perspektiba ng mga manunulat, habang iniuugnay ang mga ito sa kasaysayan at pamana ng komunidad.
Samahan ninyo kaming maglakad sa mga kalyeng minsang naging inspirasyon ng mga manunulat, at tuklasin ang isang uri ng pamana na madalas hindi napapansin: ang literary heritage. Dahil minsan, ang isang lugar ay hindi lang nabubuhay sa mga gusali at monumento, kundi pati sa mga kuwentong isinulat tungkol dito.
๐ Date: August 23, 2026 (Sunday)
๐ฃ Time: 8:30 AM โ 12:00 NN
๐ Meeting Point
Bonifacio Monument, in front of Tutuban Center Mall, Recto Avenue, Tondo, Manila
๐ Tour Ends At
Liberty Bakery, Tondo, Manila
Please plan your transportation accordingly, as the starting point and endpoint are different.
๐ฃ Tour Language
Taglish (Filipino and English)
๐ Attire
Comfortable clothes and walking shoes suitable for rain or shine.
๐ฆ Weather Advisory
The tour proceeds rain or shine and will only be canceled in case of a severe weather warning.
๐ Fee
โฑ1,200 per person
Inclusive of guided heritage tour and light snacks.
๐ Register here:
https://forms.gle/X8T55utGY3SiRHgu9
Tara, basahin natin ang Tondo: hindi lang sa mga pahina ng libro, kundi sa mismong mga kalye kung saan isinilang ang mga kuwento!
๐ธ Jeef Manalo