08/03/2025
Huwag magpaloko sa mga nag-o-offer ng part time job umano sa internet. Madalas, scammer ang mga ‘yan. Kukunin nila ang personal info mo at peperahan ka nila.
Makakatanggap ka ng text message o PM sa messaging app mula sa isang recruiter daw. Mag-aalok siya ng part-time na work-from-home job at hihingin ang iyong pangalan, birthday, address, trabaho, ewallet number, at iba pang details.
‘Pag pumayag ka, isasali ka niya sa isang group chat (GC). Doon, magbibigay siya ng simple tasks gaya ng pag-follow sa TikTok accounts o pag-like sa Shopee stores. Hihingi siya ng screenshots as proof na ginawa mo ang tasks. Para makuha ang tiwala mo, magsesend siya ng payment sa ewallet mo.
‘Pag nahuli na niya ang loob mo, yayayain ka na niya sa “special” prepaid tasks. Kakailanganin mong mag-deposit ng pera sa account niya para daw makatanggap ka payment sa tasks at interest. May mga kasabwat din sila sa GC na magpapadala ng screenshots ng kunwari’y deposit nila.
Once mag-transfer ka na ng malaking amount, mawawala na lang sila o kaya’y gagawa ng paraan para mahingan ka ng dagdag pang pera bago raw maibalik ang deposit.
Ingat, Ka-Converge! ‘Wag basta-basta maniniwala sa mga biglaang message mula sa kung kani-kanino. Magdamot ng personal na impormasyon, at ‘wag magsend ng pera sa hindi kakilala.