21/06/2025
Binigyang-diin ni Secretary Sonny Angara sa ginanap na National Skills Summit ang patuloy na pagpupursige ng ahensya na palakasin ang ating kwalipikasyon at kakayahang makipagkumpitensya.
Nilalayon ng Philippine Qualifications Framework (PQF) na maiugnay ang mga pamantayan at kompetensiyang pang-edukasyon at pang-training sa mga pangangailangan ng industriya, isulong ang prinsipyo ng Lifelong Learning, at kilalanin ang mga kwalipikasyon sa iba’t ibang sektor sa loob at labas ng bansa.
Sa pagsasatupad ng PQF, masisigurado natin may mararating ang bawat Pilipino.