28/04/2020
Share ko lang itong tao na to na naghihintay na merong magpagawa sa kanya ng Sapatos!!
Nadaanan ko sya nung pupunta ako ng palengke kasi may ka meet up ako na buyer na kakatagpuin ko sa marikina big clock mga bandang 2pm medyo katirikan pa rin ng araw sobrang init at nsa gilid sya nkapwesto sa nkasaradong tindahan.Nakita ko ung mukha nya na malungkot siguro dahil wala png nagpapagawa ng sapatos sa knya.
Pauwi nko bago mag 3pm ng hapon andun pa rin sya at nkita ko sa mukha nya na parang hnd pa sya kumakain bka nga hindi pa nga sya nakakapananghalian kasi kita ko sa mukha nya malungkot at bka gutom na din sya tumitingin lang sa mga dumadaan, may nadaanan akong 7/11 store naisip ko kasi na baka gutom na nga sya bawasan ko ung tinubo ko sa nabenta kong product binilhan ko sya ng makakain at tubig naisip ko kasi kung ako nasa kalagayan nya ang hirap kaya kahit sa konting tulong na pagkain ay natulungan ko sya.
Sa totoo lng kailangan ko ng pera nung time na un kasi walang naghahanap buhay samin dahil nga lockdown, pero naramdaman ko nung nakita ko sya naawa talaga ako sa knya at inisip ko na lang na mas sya ung nangangailangan kesa sakin.
Maswerte pa din tayo kasi kahit no work no pay tayo hnd natin nararanasan ung hirap na dinadanas nya sa labas.