08/07/2022
SA AMING MGA KONSYUMER SA BRGY. ALASASIN:
Magandang Araw po!
Humihingi po kami ng paumanhin sa biglaang paghina at pagkawala ng suplay ng tubig sa kalahating bahagi ng Barangay Alasasin na sinusuplayan ng Pumping Station -18 (RBC). Dahil sa pagkatumba ng isang poste ng PENELCO sa may kahabaan ng Roman Highway (tapat ng PENELCO-Sub-Station sa Alasasin) , nasira po ang transformer at generator set na ginagamit sa nabanggit na pumping station. Ang apektado pong lugar ay ang mga sumusunod:
Maap Road, Camia St., Sampaguita St., Rosal St., Jasmin St., Old Road, Barangay Hall areas,
Sunflower St. , Bagong Silang, Alasasin Elementary School areas, Basketball Court areas.
Ang Mariveles Water District po ay gumagawa na ng paraan upang mapadali ang pagpapalit sa nasirang parts ng generator at pagpapalit sa nasunog na transformer upang kaagad na maibalik ang serbisyo ng patubig.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
MARIWAD