28/06/2024
Dadating ka sa punto ng buhay mo,
na kailangan mong mamili sa mga desisyon mo.
Darating yung oras na mag-iiba ang pananaw mo at prinsipyo,
at pipiliin mo nalang yung mga bagay-bagay na aangkop sayo.
katulad ng kasiyahan at kapayapaan mo,
kagaya ng kalayaan ng puso isip at katawan mo.
👍
Pagdating sa ating hanapbuhay o trabaho,
oo masarap at masaya kapag nasa opisina ang trabaho mo,
kumportable at kaaya-aya para sayo,
casual and formal ang pormahan mo,
professional ang galawan mo,
desente at galante ang mga nakakasama mo,
at puro propesyonal ang mga katrabaho mo.
👍
Pagdating sa ating hanapbuhay o trabaho,
oo masarap at masaya kapag maganda ang posisyon mo,
Sir/Ma'am ang tawag sayo,
mataas ang respeto na nakukuha mo,
para kang isang sundalo na mataas ang ranggo,
na palaging sinasaluduhan ng mga kapwa mo.
👍
Pagdating sa ating hanapbuhay o trabaho,
oo masarap at masaya kapag sapat o mataas ang sahod mo,
nakakagana kumilos o magtrabaho,
at parang ayaw mo na umalis sa pinapasukan mo
👍
pero alam niyo,
hindi palaging ganon mga bro,
dahil minsan may mga nagbabago,
katulad ng pag-iiba ng pakiramdam at pananaw mo.
👍
Dadating yung araw na lilisanin mo,
ang kasalukuyang pamumuhay mo,
darating ang panahon na iiwan mo,
ang "lifestyle" na naabot o narating mo.
👍
Pagdating kase sa hanapbuhay o trabaho,
karamihan sa atin hindi "passionate" sa ginagawa mo,
hindi mo hilig o hindi mo gusto,
minsan nagtratrabaho ka nalang dahil kailangan mo,
o kaya naman pumapasok ka nalang dahil sa posisyon at sahod mo,
minsan napipilitan ka nalang dahil kailangan mo ng trabaho
👍
ngunit kapag pinili mo ang "passion" mo,
kapag pinili mo ang hilig o gusto mo,
dapat handa kang mag sakripisyo,
pero kapag ginawa mo yon sinisigurado ko sayo,
kaluwagan at kagaanan ang makukuha mo,
makukuha mo ang kalayaan at kasiyahan na gusto mo,
at matututunan mong makuntento
👍
katulad ng ginawa ko,
mas pinili kong umalis sa "comfort zone" ko,
iniwan ko ang "corporate world" na ginagalawan ko,
para sa mga bagay na gusto ko,
para sa mga bagay na malaya ako,
para sa mga bagay na masaya ako.
👍
Hawak ko oras ko,
nakakapag-hanapbuhay ako,
nakakapag-trabaho ako,
sa sarili kong itinayo o binuo,
nagagawa ko pa yung ibang gusto ko,
katulad ng madalas na "quality time" sa mga mahal ko,
katulad ng pamamasyal o pagtra-travel ko,
katulad ng pagra-ride ko o pagmo-motorsiklo,
katulad ng pagba-vlog blagan ko,
at kagaya ng isa pang libangan ko,
ang pagnenegosyo.
👍
ilang taon na akong ganito,
ilang taon ko nang ginagawa ito,
ilang taon na ako sa ganitong estado,
parang "chill ride" lang kapag nagmomotorsiklo,
pero masasabi kong sapat ang naging desisyon ko,
sulit itong mas pinili ko
👍
sabi ko nga masarap din pala makuntento,
wala kang kailangan patunayan na kahit ano,
wala kang kailangan sabayan o higitan na kahit sino,
yung masaya ka nalang at malaya sa buhay mo,
yung hindi mo pinipilit ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo gusto.
👍
Hindi naman kasi palaging pagpapayaman lang tayo,
hindi naman dapat panay pagpapapera lang tayo,
hindi naman dapat puro paangatan lang tayo,
ang dapat ay yung maging masaya at malaya tayo,
kahit nakasasapat lang ang mga meron tayo,
"life is too short" ika nga po,
kaya dapat ine-enjoy mo ang buhay na ipinagkaloob sayo.
👍
Bukod sa hawak ko ang oras ko,
ang maganda pa dito,
ay wala akong amo na puro utos at reklamo,
wala akong katrabaho na tamad magtrabaho,
wala akong pinagsisilbihan na kumpanya o tao.
👍
Hindi na ako nangangamuhan para sa ibang tao,
hindi na ako namamasukan para sa pangalan ng ibang tao,
hindi na ako nagtratrabaho para sa kumpanya ng ibang tao.
👍
Binago ko ang mga desisyon ko,
at mas pinili ko ang mga bagay-bagay na para sa sarili ko,
at hindi para sa ibang tao.
👍
Hindi ko sinasabing tularan niyo ako,
hindi ko pinapayo na gawin niyo ang ginawa ko,
kase may kanya-kanya naman tayong pananaw at prinsipyo,
may kanya-kanya tayong desisyon sa buhay mga bro,
at iba't-iba tayo ng sitwasyon o estado.
👍
Nais ko lang iparating sa inyo,
na maglaan ka nung para sayo at hindi para sa ibang tao,
pag-ukulan mo yung para lang sayo,
pagtuunan mo yung mga para sa sarili mo,
kasi sayang yung pakinabang mo,
sayang yung utak mo o talino,
sayang yung kakayahan mo o talento,
sayang yung katawan at lakas mo,
sayang yung puso't isip mo,
sayang yung time and effort mo,
sayang yung mga sipag mo at sakripisyo,
kung ilalaan mo lang sa ibang tao.
👍
Palagi kong sinasabi o pinapayo,
na ikaw ang gagawa ng sarili mong libro,
ikaw ang bubuo sa bawat pahina nito,
ikaw ang lilikha ng sarili mong kwento,
at ikaw ang magbibigay kulay sa obra mo.
👍
Gumawa ka ng sarili mong mundo,
lumikha ka ng sarili mong empire o imperyo,
ikaw dapat ang King o Queen dito,
kumbaga gumawa ka ng sariling pangalan mo,
bumuo ka ng sariling kumpanya mo o negosyo,
at doon mo ibuhos ang mga effort mo,
at hindi sa ibang pangalan o ibang tao.
👍
Paglaanan mo ang sarili mo,
kumilos ka para sa sarili mo,
tumayo ka para sa sarili mo,
dala-dala ang sariling pangalan mo,
buhat-buhat ang sarili mong bangko,
akay-akay ang sarili mong mundo.
- Boyride