21/07/2026
Sige, endless job opportunities for Filipinos ang Pax Silica.
Just like what the President promised kaya punta siya ng punta sa ibang bansa, asking for investors. Kasi it will provide job opportunities for Filipinos.
Ito naman ang simpleng tanong ko,
Hindi ba kaya ng gobyerno ang magbigay ng trabaho sa mga Pilipino gamit ang sarili nating resources? bakit lahat nalang yata iaasa natin sa mga banyaga?
Para sakin, it presents itself as an opportunity pero can of worms lang behind the picture. Kasi it shows how incompetent we are in providing job opportunities.
For so many decades, ang mga magagaling nating professionals and skilled workers, nasaan? OFW! As a Nurse, never ko nakita ang sarili ko na magwork dito sa Pinas kung mag Nurse ako, siempre sa US or UK, bakit dito? wala namang sweldong matino dito eh. Kaya ang ending ko, nagnegosyo, nag freelancing, minsan gusto kong maging Congressman or Contractor. Kasi ang hirap mag negosyo sa Pinas, pati utot mo may tax!
Kaya hirap na hirap tayo magbigay ng job opportunities, kasi yung sistema natin ang pumapatay sa opportunities natin. Pero kung iisipin natin, gaano karaming toneladang gulay sa Baguio ang nasasayang taon taon? Kasi hindi nabibigyan ng prioridad? Pero think about it, hindi lang naman farmers ang mabibigyan ng trabaho. If we improve cold chains, courrier system, nationwide, and exportation. Can you imagine gaano kalaki ang market natin? That's how much job our government can give!
Alam niyo ba na sa Mindanao, we export quality fruits like banana and pineapple? Dinadala sa Japan yung mga perfect and quality products galing sa atin sa Pinas! Pero private company. Hindi ba ito kayang gawin sa Baguio?
Transportation ang Tourism, grabe! isa tayo sa most visited countries in the world! Diba napakalaking opportunity nito for jobs and businesses? Pero bakit hindi magawa ng tama? Walang tamang pasahod, walang tamang sistema! Kahit saan ako lumingon sa Pilipinas, grabe ang resources, pero wala eh binebenta natin lahat sa banyaga or sinisira. Kaya nasan ang mga farmers natin? Either nasa ibang bansa, kasi mas maganda mag farming sa ibang bansa, or nandito sa Pinas, gutom.
Andami nating pabahay! housing projects na nung natapos, walang tumira, sayang ang bilyon bilyong resources, why? kasi hindi pinagaralan, ilagay mo ba naman yung housing sa gitna ng bundok, tapos wala kang plinanong livelihood, or community na maayos, ano yun? itinapon mo lang sila dun sa gitna ng bundok? kaya sinong titira dun? so pano sila kakain at magtatrabaho? Maliiiii! Hindi pa natin yan nabubuksan, kasi binibusy niyo ang mata namin sa endless hearing sa congress at senate. 25 million a day? That amount can already create endless job opportunities if invested properly.
Puro kasi ayuda, kaya walang economic growth.
I can go on and on and list down potential opportunities na meron ang Pilipinas, pero baka hindi niyo na basahin.
Kaya napakalaking usapin ng Pax Silica, at huwag niyong sabihin sa amin na job opportunities ito. Kasi hindi! It shows how incompetent our government is, lahat ng ginagawa niyo ngayon, exploring opportunities other countries can give, to compensate yung mga lost opportunities na meron tayo sa Pilipinas. Mga opportunities na ayaw niyong trabahuhin kaya umaasa nalang kayo na banyaga ang gagawa para sa inyo. Sorry for the word, pero diba ito ang definition ng "inutil"? Ayaw mong trabahuhin yung opportunity, kaya hinayaan mong iba nalang ang gumawa para sayo, pero tatanggap ka pa din ng bayad in the expense of kasiraan ng pagkakataon. Yan ang nakikita ko diyan sa Pax Silica and most of the other opportunities na galing sa ibang bansa.
I am not yet talking about environmental impact.
SAD TRUTH.