19/05/2025
Being a mom is one of the most beautiful things in the world but let’s be real, it’s also one of the hardest.
Minsan, kahit hindi ka pa bumabangon sa k**a, pagod ka na. Kulang ka sa tulog, may iyak na agad na sasalubong sa’yo, at wala ka pang almusal, pero kailangan mo nang magluto, maglinis, at mag-alaga. Parang wala kang break.
May mga araw na ang gulo-gulo ng bahay, parang gulo rin ng isip mo. Gusto mong umiyak pero hindi mo magawa, kasi iniisip mo, “Kung ako pa ang susuko, sino pa?”
Ang bigat din ng pressure. From society, family, minsan even from ourselves. Dapat “perfect mom” ka malinis ang bahay, laging masaya ang anak, may time sa asawa, may income pa kung working mom ka. Pero the truth is, hindi madali i-balance lahat.
Yung guilt? Nandiyan palagi. Guilt na kulang ang oras mo sa anak, guilt na hindi ka productive enough, guilt na napagod ka at gusto mo lang ng “me time.” Minsan, kahit five minutes sa banyo mag-isa, parang luxury na.
And yet, kahit gano’n kahirap, hindi sumusuko ang isang ina. Kasi bawat ngiti ng anak mo, bawat yakap at “I love you, Mommy,” parang nagiging worth it lahat. Hindi nawawala ang pagod, pero natututo kang magpakatatag.
Motherhood is messy, exhausting, and full of doubts but it’s also filled with a kind of love you never knew you were capable of.
So if you’re a mom reading this you’re doing your best. And that’s more than enough.