Venture Vision

Venture Vision Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Venture Vision, Business Center, camarines sur, Naga City.

Narinig nyo na ba ang pareto principle? Ang pareto principle ay nagsasabi na 20% sa mga ginagawa natin ang madalas nag c...
06/08/2025

Narinig nyo na ba ang pareto principle? Ang pareto principle ay nagsasabi na 20% sa mga ginagawa natin ang madalas nag cocontribute sa 80% ng ating mga resulta. No wonder why sometimes yung mga maliliit natin na habits compounded over time ay sya din nag foform sa ating results later on. Kaya classmeyt, check mo sarili mo from time to time to time try to ask this question "ano bang mga small habits ko ang harmless pero naging harmful over time?" pag nasagot mo then you know what to do next. Replace it with good habits :)

Let me remind you classmeyt na in the end, wala naman ibang makaka experience ng mga bagay na naitanim mo kung hindi ika...
13/07/2025

Let me remind you classmeyt na in the end, wala naman ibang makaka experience ng mga bagay na naitanim mo kung hindi ikaw. That's why hindi mo dapat hinihintay ang thumbs up ng iba bago ka mag desisyon ng para sa buhay mo ;)

Ang may pinaka sincere na sagot ay mag 10x this year :) Ang pang 8,13,21,34, 55, 84 at pang 139th na comment ay magkakar...
10/07/2025

Ang may pinaka sincere na sagot ay mag 10x this year :)
Ang pang 8,13,21,34, 55, 84 at pang 139th na comment ay magkakaroon ng unli good luck 🧧 ;)

Bakit nga ba takot tayo sa hindi natin alam? Simple lang. Kasi wala tayong kontrol. Wala tayong kasiguraduhan. Hindi nat...
09/07/2025

Bakit nga ba takot tayo sa hindi natin alam? Simple lang. Kasi wala tayong kontrol. Wala tayong kasiguraduhan. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin. Hindi natin alam kung may kapalit ba ang effort natin. Hindi natin alam kung masasaktan ba tayo o kung may mababago ba talaga.

At dahil hindi natin alam, ang dali sumuko. Ang dali umatras. Ang dali gumawa ng dahilan para hindi na lang ituloy.

Pero eto ang isang bagay na hindi lahat naiintindihan. Lahat ng bagay na maganda, nagsisimula sa wala pang kasiguraduhan. Lahat ng taong nagtagumpay, dumaan sa punto na takot din sila. Pero hindi sila huminto. Hindi sila nagpatinag.

Ang solusyon? Harapin mo nang buo ang takot mo. Aminin mo muna na natatakot ka. Walang masama doon. Pero habang inaalala mo ang takot, sabayan mo ng tanong,

"PAANO KUNG ITO PALAGA TALAGA ANG MAKAKAPAG BAGO SA BUHAY KO?"

Hindi mo kailangang hintayin mawala ang takot bago ka mag-decide gumalaw. Gagalaw ka kahit may takot. You will move forward kahit kinakabahan ka. Kasi habang gumagalaw ka, doon mo lang makikita na hindi naman pala ganun kalaki ang kinakatakutan mo.

Fear of the unknown will always be there. Pero ang tanong, ikaw ba ang magpapakain sa takot o ikaw ang kakain ng takot mo?

Hindi mo kailangang siguradong sigurado. Kailangan mo lang maniwala na kahit hindi mo pa alam ang lahat, kaya mong ituloy.

02/06/2025

Sabi nga mas masakit yung mga bagay na hindi mo ini-expect dahil hindi ka handa. Being optimistic in life does not mean being delusional. Hindi ibig sabihin na positibo ka na tao ay hindi mo na accepted na may mga bagay sa mundo na masakit talaga minsan. In fact if you are really a positive person accepted mo ito at kaya mo gawin itong in favor sayo at mag move forward😊

Being consumed with anger is like hitting yourself with double the amount than what actually hurt you. Hindi madali mag ...
01/06/2025

Being consumed with anger is like hitting yourself with double the amount than what actually hurt you. Hindi madali mag sabi ng sige let's just agree to disagree and call it quits, lalo na yung "I forgive you" because often we always have the natural reaction to one up those who have hurt us. Pero classmeyt, remember that your peace matters more than anything else. Don't be consumed with anger. If you can't say quits then at least you owe it to yourself to walk away from what consumes you.

Peace be with you all! ✌️😁

Words may not break bones. Hindi nag iiwan ng galos sa balat or visible injury ang masasakit na salita. Pareho din sa mg...
24/05/2025

Words may not break bones. Hindi nag iiwan ng galos sa balat or visible injury ang masasakit na salita. Pareho din sa mga words of encouragement, it does not make a person any more attractive kapag sinabihan mo sya na pogi o maganda sya.

Walang bakas na epekto sa physical. Both positive and negative.

Pero...

Bawa't salita na binibitawan mo ay may kakayahang pumatay o bumuhay ng morale ng isang tao.

Words may not cause anyone to bleed, but words can crush one's spirit.

Bakit may mga salitang hanggang ngayon, dala pa rin natin? Minsan Kahit mga pa biro lang, pero it cuts so deep na hanggang kaluluwa tagos.

Be careful of what you say, dahil minsan hindi mo alam na ikaw na pala ang dahilan bakit ang isang tao ay wala ng ganang mabuhay.

Be mindful, be responsible.

Kung hindi kailangan, better not talk.
Kung hindi makakabuti, wag ng sabihin.
Kung hindi makakatulong, mas okay ng tumahimik na lang.

Lahat tayo may pinagdadaanan.
Baka yung taong binitawan mo ng salita, ilang beses na ring sinusubukan bumangon.
Baka yung taong sinabihan mo, pilit pang binubuo ang sarili niya kahit pa konti-konti.
Then with just one thoughtless word eh ikaw ang naging rason sa pag guho ng sana binubuo nya.

Classmeyt, tandaan nyo. It takes nothing from you to be kind. But even that small act of kindness could already mean the world to someone.

Tandaan mo, ang sugat sa katawan humihilom, pero ang sugat na gawa ng isang masakit na salita ay minsan hindi na humihilom.

Choose kindness, Always ;)

22/05/2025
Alam mo ba kung ano ang pumapatay sa pangarap nang mas mabilis pa sa failure? Distractions!Lahat ng tao may opinyon. Lah...
15/05/2025

Alam mo ba kung ano ang pumapatay sa pangarap nang mas mabilis pa sa failure? Distractions!

Lahat ng tao may opinyon. Lahat may payo. Lahat may nasasabi kung paano mo dapat gawin ang mga bagay. Pero ito ang totoo, habang mas pinapakinggan mo sila, mas mawawala ka sa focus sa kung ano talaga ang gusto mo at dapat gawin mo.

Sasabihan ka na maghinay-hinay, na chill ka lang, na maging realistic o di kaya di sayo bagay ang pangarap mo at liitan lang. Ituturo nila lahat ng dahilan kung bakit hindi yan magwowork. At kung patuloy kang makikinig, wala ka pinagkaiba sa Isang kandila na unti-unting nauubos hanggang mawala ang liwanag mo.

Pero this is the reality, walang makakakita ng vision mo gaya ng nakikita mo, walang ibang makakaintindi kung bakit yan ang goal or pangarap mo. Hindi ang mga kaibigan mo, hindi ang pamilya mo, hindi rin yung mga hinahangaan mo. Ibinigay sayo ang vision na yan para sa isang dahilan. Ibinigay sa'yo yung fire, yung drive, yung hunger. At hindi trabaho ng iba na maintindihan yun.

Huwag ka makinig sa ingay ng labas. I-focus mo uli yung sarili mo sa dapat. Kung hindi align sa goals mo, hindi Yan worth it pakinggan. Period.

Oo, malungkot minsan. Oo, mahirap. Oo, may mga tao na hindi matutuwa. Pero ang tanging paraan para makarating ka sa finish line ay FOCUS. Stay locked in. Stay hungry. Stay relentless.

Keep moving. Keep grinding. Habang lumalakas ang ingay ng iba, Lalo ka dapat mas tumatahimik at kalmado sa loob stay focused sa goal mo.

Address

Camarines Sur
Naga City
4400

Telephone

+639273741763

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Venture Vision posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Venture Vision:

Share