28/04/2025
Kung inuubos mo lang ang lahat ng kinikita mo sa pagkain, inumin, at pansamantalang saya — hindi ka nagtatanim para sa kinabukasan. Nabubuhay ka lang para lang makatawid sa bawat araw.
May mga nagsasabi, “Mamamatay ka rin bukas, wala kang madadala.”
At oo, totoo: “Wala tayong dinala nang tayo'y isinilang, at wala tayong madadala pag tayo'y pumanaw.”
Pero hindi ibig sabihin noon na basta mo na lang iwawalang-bahala ang hinaharap mo.
Ang mga desisyong pabaya ngayon, may kapalit na mabigat bukas.
Naalala mo ba ang kwento ng langgam at tipaklong?
Habang ang langgam, walang kapaguran sa pag-iipon at paghahanda sa darating na taglamig, ang tipaklong naman, puro saya, tawa, at paghamak sa pagsusumikap ng langgam:
“Bakit ka nagpapakapagod? Baka bukas, patay ka na rin!”
Ngunit dumating ang taglamig.
At habang si langgam ay may pagkain at kanlungan, si tipaklong ay giniginaw, nagugutom, at nagsisisi.
At ang langgam ay nagtanong:
“Hindi ba't ikaw ang nagtawanan kahapon? Hindi ba't ikaw ang nagsabi na sayang ang pagod dahil maikli ang buhay?”
Sa buhay, ikaw ang pipili:
Maging tipaklong na mababaw at hindi handa,
o maging langgam na tahimik ngunit matatag ang pundasyon.
Pag-isipan mo ang hinaharap mo.
Pag-isipan mo ang mga taong umaasa sa'yo.
Hindi ka habang buhay malakas. Hindi habang buhay may pagkakataon.
Anong klaseng pagtanda ang gusto mong maranasan?
Hindi ito usapin ng kapalaran.
Ito ay laban ng bawat desisyon mo araw-araw.
Ang ginagawa mo ngayon — yan ang magtatakda kung sino ka bukas.