26/02/2026
May mga tao na gustong umasenso… pero ayaw umalis sa comfort zone.
Gusto ng bagong resulta, pero paulit-ulit lang ang ginagawa.
Gusto ng malaking income, pero takot mag-try ng bagong opportunity.
Gusto ng growth, pero tamad mag-explore.
Real talk lang.
Hindi kasalanan ng mundo kung nasaan ka ngayon kung ikaw mismo ayaw mong kumilos.
Habang ikaw busy mag-scroll, may iba na busy mag-aral.
Habang ikaw nagdududa, may iba na sumusubok.
Habang ikaw naghahanap ng perfect timing, may iba na gumagawa ng paraan kahit hindi pa perfect ang sitwasyon.
Hindi lahat ng opportunity automatic na para sayo.
Pero hindi mo malalaman kung para sayo nga — kung hindi mo man lang susubukan.
Minsan hindi ka kulang sa talento.
Hindi ka rin kulang sa pangarap.
Ang kulang lang… lakas ng loob mag-explore.
Tandaan mo,
ang comfort zone magaan sa pakiramdam —
pero mabigat ang epekto sa future.
Kung gusto mo ng ibang level ng buhay,
kailangan mo rin mag ibang level ng galaw.
Walang yumayaman sa pagiging kampante.
Walang nagiging successful sa pagiging tamad maghanap ng paraan.
Reality check:
Kung ano ang ginagawa mo ngayon,
yun din ang magiging resulta mo bukas.
So ang tanong…
Mag-eexplore ka ba?
O mananatili ka sa dahilan?