05/05/2025
Wag na wag kang mag VAT masisira ang buhay mo 😭
Para ito sa mga BIR Registered Freelancer at sa mga may plano palang mag register kay BIR ng freelancing business nila.
May kinalaman ito sa bagong tax law natin na Value Added Tax on Digital Services Law | RA 12023.
Since marami ang nag reach out sa akin at sa GA Consulting team kung ano ba ang effect nitong bagong 12% VAT on digital services law na ito at kung ano ba ang recommended,
Mag register as a VAT or Non-VAT?
Simula June 2, 2025, magkakaroon na po ng 12% VAT ang mga subscriptions natin from foreign digital service providers kagaya ng Upwork, Canva, Google, Adobe at Capcut.
Mga Upwork freelancer at mga under ng freelancing platform ang may pinaka malaking impact dito, since doon dumadaan ang income nila. Yung dating 10% na Upwork freelance service fees ay magiging 11.2% na.
Sinundan pa ng update ni Upwork, na starting May 1, 2025,
From 10% fixed rate magiging 0-15% na ang Upwork freelance service fees, depende sa services.
So kung ano man ang bagong service fees rate mo, i-multiply mo lang ng 1.12, yan ang expected mong mababawas sa income mo.
Para naman sa mga freelancer na may direct client, sa subscriptions natin sa mga software ang magiging impact nito as additional expenses.
Kung heavy user ka ng mga paid foreign apps or tools. Example P10,000 ang monthly subscriptions mo before effectivity ng VAT on Digital Services Law, dahil sa bagong 12% VAT, magiging P11,200 na siya monthly.
Tataas ang freelancing expenses mo ng P1,200 and THAT’S IT.
Ganun pa man...
Ang best tax option parin para sa mga freelancer ay ang Non-VAT 8% Income Tax Rate Option.
Icompare natin ang Tax Compliance ng isang Freelancer na naka 8% Non-VAT vs Freelancer na naka VAT.
🔵 8% Freelancer Non-VAT
1. Income Tax Rate - Nasa title na - 8%
2. Quarterly ITR and Annual ITR only.
3. Cash Receipt Book only.
🔵 Freelancer VAT Taxpayer
Hindi lang 12% VAT sa income ang effect. Isa lang po yan sa napakaraming madadagdag sa tax compliance mo pag VAT ang niregister mo.
1. Income Tax Rate is 0% to 35%
Dito palang sa tax rate NO BRAINER na diba.
2. Quarterly ITR and Annual ITR.
3. Monthly VAT Return Filing. Additional compliance mo na ito.
VAT sa income natin aka Output VAT Less
VAT sa expenses natin aka Input VAT
Yung sobra ang ireremit kay BIR.
Madugo po ang record keeping nito.
4. Quarterly VAT Return Filing.
5. Summary List of Sales and Purchases reporting. (Another madugong compliance, tanungin mo ang tropa mong accountant!)
6. Bookkeeping
Anim na Books of Accounts ang required mo imaintain.
I. General Journal
II. General Ledger
III. Cash Receipt Journal
IV. Cash Disbursement Journal
V. Sales Journal
VI. Purchase Journal
Masisira ang buhay mo i-DIY ito.
Kung ioutsource mo naman, malayong mas mataas ang professional fee ng accounting services pag VAT ka vs Non-VAT.
7. Higher chance of BIR Audit.
8. Possible kapa ma VAT Audit.
9. More compliance more chance of error.
Every error ay may PENALTY.
❌ Kaya wag na wag na wag kang mag reregister as a VAT taxpayer NOT unless required ka. ❌
PS
Pag more than 3 Million ang Annual Income mo or lagpas na ng 250k ang monthly income mo, wala kang no choice, required ka mag register as VAT.
PPS
For most freelancer na hindi naman required mag VAT, meaning less than 3 million ang annual income mo pero pinili mo parin mag register as VAT.
After 3 YEARS ka pa pwedeng mag pa update sa Non-VAT. Kaya mahirap magkamali dito. Touch move at walang bawian ng tatlong taon.
✅ Again, 8% Income Tax Rate Non-VAT parin ang best sa isang freelancer.
Malungkot para sa freelancing industry itong bagong tax law na ito, pero isa ito sa mga hindi natin control. Kaya nga kahit mga malalaking foreign digital company ay kailangan mag comply.
Ang isa sa pwede natin gawin ay ireview at iadjust natin ang service pricing natin to match ang additional cost of doing business natin.
Freelancers are highly resilient people.
Every setback is a setup for a comeback.
The obstacle is the way. 💪
🔴 TLDR 🔴
Despite the New 12% VAT on Digital Services Law,
The Non-VAT 8% Income Tax Rate Option is still the best tax option for Freelancers.
Freelancer BIR Registration Overview 📍
https://www.facebook.com/watch/?v=956702899826061
Credits to Mr. Aurelio