08/10/2026
Hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kayang ipagpatuloy itong small business ko. 🥺
Sa totoo lang, lately sobrang nakakapanghina ng loob. Ang hina na nga ng mga orders, sabay-sabay pa nagkakasira ang mga machine ko. Imbes na pera ang pumapasok, mas malaki pa minsan ang lumalabas para sa pagpapagawa at maintenance. 😔
Nakakapagod. Nakakafrustrate. At minsan mapapaisip ka talaga kung worth it pa bang ipagpatuloy.
Pero sana… huwag naman akong panghinaan ng loob. 🙏🏻
Pinaghirapan ko itong business na ito. Unti-unti kong binuo, pinag-ipunan, at pinuhunan ng oras, pagod at pera. Kaya kahit ngayon parang sunod-sunod ang pagsubok, gusto ko pa ring maniwala na baka hindi ito ang ending.
Baka kailangan ko lang magpahinga. Baka kailangan ko lang huminga. Baka may mas magandang season pa na naghihintay. 🤍
Para sa small business ko, sana kayanin pa natin.
Hindi pa sumusuko. Napapagod lang. 🥹✨
Sa mga patuloy na sumusuporta, umo-order, nagre-refer at nagtitiwala sa maliit kong negosyo, maraming maraming salamat. Malaking bagay kayo sa akin. 🤍