18/09/2016
"Mga Kailangang Malaman Tungkol sa SC88"""""""
1. Ang isang sachet ng SC88 ay pwedeng ilaba sa (5) limang kilong damit.
2. Ito ay dapat tunawin sa (10) sampung litro ng tubig. ** ang 10 liters na tubig ay maaring sukatin sa pamamagitan ng isang litrong bote ng softdrinks (10x). Ibuhos ang laman ng 10 liters sa balde/batya or timba. Tandaan ang sukat ng tubig para sa susunod na paglalaba ay hindi na po magsusukat ng tubig.
3. Ang SC88 ay biodegradable(walang kahit na anong halong kemikal), at antibacterial. Meron itong Micro-organism fighter(MOF).
4. Ang SC88 ay hindi mabula gaya ng commercial na sabong panlaba dahil wla itong caustic soda or chalk.
5. Ang SC88 ay may 4 na natural na ENZYMES na galing sa prutas. Ito ay matakaw kumain ng mga dumi, mantsa at bacteria. Hindi rin ito makakabawas sa tingkad ng kulay sa damit, bagkus pinapalitaw nito ang totoong kulay ng damit.
6. Ang SC88 ay banayad sa kamay, hypo allergenic, at hindi nakakasugat ng kamay. *****TAMANG PAGBABAD at Tamang Pag gamit:
1.Tandaan: ang naglilinis ng tela ay hindi bula kung di ENZYME. Ang bula kapag hindi nabanlawan ng husto ay dahilan sa pagbaho ng damit lalo na kapag napapawisan ang nkasuot nito.
2.Huwag babasain ng tubig ang damit na ibabad. Derecho po ibabad sa tubig na may tinunaw na SC88 ang tuyo at maduming damit. Kapag ito ay binasa na, hindi makakapasok ng husto ang enzyme dahil mauunahan ng water molecules ang hibla ng tela. 3. Tiyakin na ang ibinabad na damit ay nkalubog sa tubig.
4. Huwag tatakpan ang nakababad. Ang mga insekto gaya ng lamok,ipis at langaw ay umiiwas sa SC88.
5. Unahing ibabad ang mga puting damit ng 1-2 oras. Pigain ng mabuti at ilipat sa malinis na tubig. Banlawan ng 1-2 beses lamang pwede ng isampay.
6. Ang pinagbabaran ng puti ay pwedeng pang pagbabaran ng de kolor. Depende sa dumi ng damit, 1-2 oras ulit ang pagbabad, tsaka banlawan at isampay.
7. Isunod sa pagbabad ang mga shorts, pantalon at iba pa.
8. Sa puntong ito pwede pa ibabad ang mga basahan at pagkatapos iy pwedeng ipandilig sa halaman ang tubig na pinagbabaran at pinagbanlawan.
9. Enjoy washing!!!!