20/05/2025
Nais po naming magpasalamat sa bawat isa na patuloy na nagme-message, nag-oorder, at nagpapakita ng suporta sa amin — kahit na matagal na kaming hindi nakakapag-operate. 💚
Sa kasamaang palad, pansamantala pong tumigil ang aming operasyon dahil sa pagkasira ng aming greenhouse at mga hamong pinansyal na hindi inaasahan. Isa po itong napakahirap na yugto para sa aming munting negosyo.
Kami po ay kasalukuyang nagsusumikap na muling maitayo ang greenhouse at makabangon.
🌿 Hangad po naming muling makapaghatid ng mga salad rolls at lettuce na alam naming inyong nami-miss.
Magbibigay po kami ng update sa page na ito sa oras na handa na kaming tumanggap muli ng orders.
Mula maraming-maraming salamat po.💚
— Lettuce in the House Team