Mayet & Vhoy Car Insurance & other LTO Services

Mayet & Vhoy Car Insurance & other LTO Services Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayet & Vhoy Car Insurance & other LTO Services, Business service, Quirino hi-way, Novaliches.

21/05/2026

π‹π“πŽ, ππˆππ€πŠπˆπŠπˆπ‹πŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 πˆπŒππ„π’π“πˆπ†π€π’π˜πŽπ 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐀 π€πŠπ’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐒𝐀 ππ”π„π™πŽπ π‚πˆπ“π˜ 𝐍𝐀 πˆπŠπˆππ€π’π€π–πˆ 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† ππ„πƒπ„π’π“π‘πˆπ€π; π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐀𝐓 π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€, πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad na pinaimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang isang Nissan Navara Pick-Up na sangkot sa malagim na insidente na naganap sa Visayas Avenue, Quezon City, madaling araw ng Mayo 20, 2026 na ikinasawi ng isang pedestrian.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), binabagtas ng naturang sasakyan ang Visayas Avenue mula Elliptical Road patungong Congressional Avenue bandang alas-4 ng umaga nang mabangga nito ang isang pedestrian na nakaupo sa pinangyarihan ng insidente. Kasunod nito, patuloy na umabante ang nasabing pick-up at sumalpok sa isang signage at isang vendor. Dahil dito, ang mga biktima ay agad na isinugod sa ospital ngunit kalaunan ay nasawi ang lalaking nakaupo, habang sugatan naman ang vendor at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Kaugnay nito, inaatasan ng LTO na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office sa Mayo 25, 2026, alas-3 ng hapon, ang rehistradong may-ari ng sasakyan at ang drayber nito noong oras ng insidente upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo na β€œReckless Driving” at β€œImproper Person to Operate a Motor Vehicle.”

Samantala, inilagay na sa ilalim ng alarm status ang parehong lisensya ng drayber at ang sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, hindi palalampasin ng LTO ang anumang kapabayaan sa lansangan na maglalagay sa panganib ng buhay ng publiko.

β€œLubos po kaming nakikiramay sa pamilya ng nasawi sa malagim na insidenteng ito. Sisiguruhin po natin na magkakaroon ng masusing imbestigasyon at pananagutin ang sinumang mapatutunayang may pagkukulang o paglabag sa batas trapiko,” ani Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang ibayong pag-iingat, disiplina, at responsableng pagmamaneho sa lahat ng oras upang maiwasan ang mga trahedyang nagdudulot ng pagkawala ng buhay.

15/05/2026

πŸ“πŸ” πŠπ€π–π€ππˆ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ, ππˆππ€π’πˆππ€πŠ 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 π€ππˆπŒ 𝐍𝐀 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐈 π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π… πŒπ”π‹π€ π“πŽπ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 π‘π€ππŠ 𝐀𝐍𝐃 π…πˆπ‹π„ 𝐍𝐀 π„πŒππ‹π„π˜π€πƒπŽ, π“π”π‹πŽπ˜ ππ€π‘πˆπ 𝐀𝐍𝐆 πˆπŒππ„π’π“πˆπ†π€π’π˜πŽπ 𝐀𝐓 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππˆπ’ 𝐒𝐀 π€π‡π„ππ’π˜π€

Nagsagawa ng malawakang internal cleansing operation ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos masampahan ng mga kasong administratibo, isailalim sa preventive suspension, at sibakin sa serbisyo ang ilang opisyal at empleyado ng ahensya dahil sa iba’t ibang paglabag at iregularidad sa kanilang tungkulin.

Batay sa ulat ng Intelligence and Investigation Division (IID), umabot na sa 56 ang nasangkot sa iba’t ibang kasong administratibo may kaugnay sa "Grave Misconduct," "Serious Dishonesty," "Gross Neglect of Duty," "Extortion o β€œKotong,” "Falsification of Official Documents," at iba pang paglabag na nakaaapekto sa integridad ng serbisyo publiko.

Kabilang dito ang 1 Presidential Appointee at 34 Permanent, mula sa Central Office, National Capital Region, Region II, Region IV-B, Region VII, CAR, at CARAGA.

Ang ilan sa mga empleyado na nabanggit ay sumailalim na sa preventive suspension at formal charge habang ang iba naman ay inendorso na sa kaukulang disciplinary bodies tulad ng Central Office Disciplinary Board (CODB), Regional Administrative Action Board (RAAB), at Department of Transportation (DOTr) para sa nararapat na aksyon.

Gayundin, 16 Job Order personnel ang sinibak na sa serbisyo at mayroon pang tinanggal o inalisan ng deputation authority, kabilang ang 2 Local Government Unit (LGU) Auxiliary Enforcer at 1 Security Guard.

Samantala, nagbigay naman ng stern warning sa 2 opisyal mula sa NCR at Region XII dahil sa mga administrative lapses.

Ayon kay Assistant Secretary Lacanilao, bahagi ito ng pinaigting na kampanya niya laban sa katiwalian at kapabayaan sa loob ng ahensya, alinsunod sa kaniyang 7-Point Priority Agenda na nakatuon sa integridad, pagiging hayag at tapat, at maayos na serbisyo publiko sa LTO.

β€œMalinaw ang direktiba natin -walang puwang sa LTO ang katiwalian, kapabayaan, at pang-aabuso sa kapangyarihan. Sinuman ang mapatunayang lumalabag sa batas at sa tiwala ng taumbayan ay mananagot anuman ang kanilang posisyon,” ani Lacanilao.

Dagdag pa niya, "Hindi lamang panlabas na operasyon laban sa mga pasaway na motorista, at fixers ang tututukan ng LTO kundi maging ang paglilinis sa hanay ng sariling mga tauhan upang maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensya. Hindi magiging matagumpay ang anumang reporma kung may mga kawani na sumisira sa integridad ng ahensya at sa tiwala ng publiko."

Tinitiyak naman ng pamunuan ng LTO na magpapatuloy ang mga imbestigasyon laban sa mga tiwaling empleyado.

Nanawagan din ang LTO sa publiko na agad i-report ang anumang uri ng katiwalian, pangongotong, fixer transactions, at iregularidad upang agarang maaksyunan ng pamahalaan at mapanatili ang integridad ng serbisyo publiko.

12/05/2026

π‹π“πŽ, 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐍𝐀 π’πˆππ”π’ππˆππƒπ„ 𝐀𝐓 πˆππˆππ€π€π‹π€π‘πŒπ€ 𝐀𝐍𝐆 π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππ€πŠπ’π€πŠ 𝐒𝐀 π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 πˆππ‚πˆπƒπ„ππ“ 𝐒𝐀 𝐁𝐆𝐂

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rider na sangkot sa viral road rage incident sa kahabaan ng 8th Avenue, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Batay sa kumalat na video sa social media, makikitang nagkaroon ng matinding komprontasyon ang dalawang motorcycle riders na nauwi sa suntukan at paghahampasan ng helmet. Makikita rin sa video na isa sa mga rider ang umano’y nanaksak sa isang rider gamit ang matulis na bagay na pinaniniwalaang screw driver.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rider na nanaksak na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa ika-14 ng Mayo 2026, ala-una ng hapon, upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot sa kasong administratibong β€œImproper Person to Operate a Motor Vehicle.”

Kasabay nito, agad ding pinatawan ng LTO ng preventive suspension ang lisensiya ng naturang rider sa loob ng siyamnapung (90) araw, at inatasang isuko agad sa IID habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Inimbitahan din ng LTO na dumalo sa naturang pagdinig ang rider na umano'y nasaksak at ang isa pang sangkot at biktima sa insidente upang makuha ang kanilang panig at makatulong sa masusing imbestigasyon.

Muling paalala ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, "Walang puwang sa kalsada ang marahas at mapanganib na asal ng mga motorista. Ang sinumang motorista na magpapakita ng asal na naglalagay sa panganib ng kapwa ay mananagot sa ilalim ng batas at mga alituntunin ng LTO."

Mahalagang pairalin ang disiplina, respeto, at pagpipigil sa sarili upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng kapahamakan sa kalsada.

12/05/2026

Address

Quirino Hi-way
Novaliches

Telephone

+639453165735

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayet & Vhoy Car Insurance & other LTO Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share