26/09/2025
GCASH & OTHER TRANSACTION REMINDER‼️‼️⚠️
Kung sa mga malalaking proyekto gaya ng flood control ay may mga scammer na nangungurakot ng pera ng bayan, mas lalo na nating bantayan ang mas personal at araw-araw na gamit tulad ng GCash.
Kasi:
❎Sa GCash, diretsong pera ng tao ang nawawala kung may scam.
❎Kadalasan, indibidwal ang biktima, hindi lang buong bayan.
❎Mahirap mabawi ang pera kapag na-transfer na, lalo na kung na-scam.
Kaya dapat:
✅Laging i-double check kung totoo ang transaksyon — hindi kami basta maniniwala sa screenshot.
✅Sisiguraduhin sa mismong app pumasok ang bayad bago magbigay ng cashout.
📢 Kung sa malalaking proyekto nga’y niloloko na tayo, mas malakas ang laban natin kung sa sarili nating pera ay maingat tayo.
📝 NOTE: Kahit napaka-advance na ng mga teknolohiya ngayon gaya ng Artificial Intelligence (AI), hindi ito dapat gawing kasangkapan para mangloko ng kapwa.
LUMABAN TAYO NG PATAS, PARA PATAS DIN ANG IBALIK SA ATIN ❤️