14/08/2026
๐ ๐ซ๐ถ๐ป ๐ด๐ฐ๐ด๐จ๐น๐ถ๐ท๐จ ๐ด๐๐
๐๐ ๐๐๐
๐ป๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐๐โ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐ | ๐ถ๐
๐๐๐๐๐๐, ๐น๐๐๐๐๐๐
Isang makabuluhang araw ang ibinahagi ng Odiongan sa mga media practitioners at tour operators ng DOT MIMAROPA sa isang immersive familiarization tour na tampok ang kultura, culinary heritage, at local craftsmanship ng bayan.
Naranasan ng grupo ang Odiongan Public Market Experience, sinundan ng isang signature breakfast at live cooking demonstration sa RโSam Beef House, kung saan ipinakilala ni Municipal Tourism Office OIC Mr. John Cary F. De Guzman ang tradisyunal na paghahanda ng kumo at iba pang lokal na almusal.
Nagkaroon din ng hands-on experience sa Pato-o Luway Association, kung saan ipinakita ang paggawa ng de-kalidad na walis tambo, at isang exclusive commissary tour sa Traditional Biscuits - Shapes Bakeshop, tampok ang mga kilalang lokal na delicacies at pasalubong. Bago matapos ang tour, bumisita rin ang grupo sa OTOP HUB Romblon upang tuklasin at suportahan ang mga produktong lokal.
Layunin ng familiarization tour na maipakita ang natatanging tourism experiences ng Odiongan at makabuo ng market-ready tourism packages na magpapalakas sa lokal na turismo at kabuhayan.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Romblon Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) sa pangunguna ni OIC Mr. Kim Anthony F. Faderon at ng Odiongan Municipal Tourism Office sa patuloy na pagsusulong ng Romblon bilang isang premier at sustainable tourism destination.