01/07/2017
Courtesy: THE ACCOUNTANT
ACCOUNTING DOESN'T MEAN DAPAT MAGALING KA SA MATHEMATICS.
Hi I'm Angelica R! I started schooling when I was three. Since then, Math na talaga ang favorite subject ko. Kinder palang ako, I am really the best when it comes to Math. Marunong na ako mag-add and subtract non kahit 2 or 3 digits pa yan. When I entered elementary hanggang grade 6 ako, palagi... Palagi-lagi nalang na ako ang highest scorer sa mtap elimination. Lagi akong nagkakamedal dahil mapawritten man o oral, kayang-kaya ko ang Math. Kung saan-saang lugar na din ako pinadpad ng Math dahil sa mga quiz bees na yan. Alam niyo yung feeling na halos di na ako nakakaattend ng klase e kasi naman puro contest na yata ang buhay ko. Nung naghigh school ako, ganon pa rin ang naging buhay ko. Pacontest contest ng Math sa district at division level. Hanggang sa naggrade 10 ako, don lang ako nawala sa contests ng Math kasi di ko na alam priorities ko non. Bale that time, I have chosen journalism. Pero syempre di pa rin nawawala sa puso ko ang Matematika.
So eto na... Maggegrade 11 na ako non. Di ko alam kung anong track ang pupuntahan ko. Humss ba kasi writer ako? Stem ba kase galing akong Science Class? Gas ba kasi gusto ko rin magteacher parang si kuya? Or Abm kasi marunong ako sa Math?
At iyon na nga, dahil nag-ABM na din yong best friend ko, ayon, ABM nalang din ang chineck ko sa enrollment form.
*fastforward*
At first, okay naman ako sa klase kasi syempre mejo basic palang mga pinag-aaralan. Wala pa kasing Accounting na subject nong first sem. Mga personality development ganon palang. Pero gosh! Nung dumating na ang Accounting at Business Math sa buhay ko... You know what? Don ko narealize na...
BALEWALA YUNG GALING MO SA MATH DAHIL DI KAILANGAN NG X and Y, SQUARE ROOT, QUADRATIC FORMULA, SETS AND SUBSETS, ARITHMETIC AND GEOMETRIC SEQUENCE sa Accounting. Ang kailangan don, DEEP UNDERSTANDING. Alam niyo yung feeling na mapapakamot ka sa ulo mo sa kaiisip kung anong element ng accounting nakapaloob ang Revenues, Expenses, Cash, Notes Payable, mga ganyan? Yung mapapasipa ka nalang sa kawalan dahil sa lecheng Trial Balance, Statement of Financial Position at kung ano ano pang may kinalaman sa Accounting jan. Yun bang halos masapak mo seatmate mo pag di balance yung Debit sa Credit? My mind was so tortured that time. I even said "Grade 11 palang ako, mahirap na. Kakayanin ko pa ba sa susunod na kabanata?"
Dumating din ako sa point na halos sisihin ko na si mommy, si daddy, pati bestfriend ko kung bakit napadpad ako sa ABM. Sabi kasing HUMSS nalang e.
But then I realize, baka naman kaya ako nahihirapan ay dahil lagi kong nirereject sa puso ko ang path na tinatahak ko? Baka naman kaya ako naguguluhan dahil wala akong balak intindihin ito?
At don.
Don ko napagtanto na ang daming humahanga sakin mula pa noon dahil sa tapang kong aralin ang Matematika. Dahil sa murang edad ko non, sobrang linis ng puso ko para tanggapin lahat ng formulas na itinuturo sa akin ng teachers ko.
Ngayon pa ba? Grade 12 na ako. Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako magpapakita ng kahinaan ko?
Guys, oo mahirap maging abm student, but then If you learn how to love the course, if you learn how to accept the challenges, hindi lang ibang tao ang mapapahanga mo kundi pati sarili mo.
Saludo ako sa mga kapwa ko abm students, future accountants na walang balak magshift.
O kaya sa mga takot mag-accountant jan dahil hindi raw magaling sa Math, nako mga bes. Walang kaso yan. Hindi porket narinig niyo ang accounting, magmaMath na kayo. Tandaan, Accounting nga e diba? Hindi Algebra. Hindi Statistics. Hindi Geometry. HINDI MATH!
I love you all. ߘ؊