11/08/2026
Mateo 7:1–28 — “Mamuhay Ayon sa Salita ng Diyos”
mensahe:
Tinuruan tayo ni Jesus na huwag maging mapanghusga sa iba, kundi suriin muna ang sarili. Tinatawag din Niya tayong mamuhay hindi lamang sa pakikinig ng Kanyang salita, kundi sa pagsunod dito.
1. Suriin muna ang sarili — v.1–5
Bago natin makita ang pagkakamali ng ibang tao, tingnan muna natin ang sarili nating puso. Madaling mapansin ang mali ng iba, pero mahirap aminin ang sarili nating pagkukulang.
2. Makikilala sa bunga — v.15–20
Ang tunay na kalagayan ng isang tao ay nakikita sa kanyang mga ginagawa. Hindi sapat ang magagandang salita; dapat makita sa buhay natin ang bunga ng ating pananampalataya.
3. Itayo ang buhay sa Salita — v.24–27
Ang taong nakikinig at sumusunod kay Jesus ay tulad ng taong nagtayo ng bahay sa bato. Darating ang bagyo at pagsubok, ngunit mananatiling matatag dahil matibay ang pundasyon.
Pagninilay
Lord, tulungan Mo akong huwag maging mabilis sa paghusga sa iba. Bigyan Mo ako ng pusong marunong magsuri sa sarili at handang magbago. Nawa'y makita sa aking buhay ang mabubuting bunga ng aking pananampalataya. Hindi lang Nawa'y marinig ko ang Iyong Salita, kundi maisabuhay ko ito araw-araw. Kapag dumating ang mga pagsubok, gawin Mong matatag ang aking pananampalataya dahil Ikaw ang pundasyon ng aking buhay.
“Panginoon, Ikaw ang aking bato, pundasyon, at gabay. Tulungan Mo akong mamuhay ayon sa Iyong Salita. Amen.”