01/10/2022
Sabi ng mga di naman talaga nakakatikim pa ng masarap na kape at pagkain sa Ka Tunying's - " 🥹 Ayan na naman po kayo. Pero sa totoo lang, maas gusto kong humingi ng paumanhin sa mga empleyado namin sa Ka Tunying's mula sa utility, panadero, cook, driver, servers, barista, marketing and purchasing officers, finance staff at maging sa aming mga suppliers ng arina, asukal, bigas, karne, mantika, gulay at iba pa. Ang iba sa inyo ay Kakampink din - madadamay pa kayo dahil sa aking profession bilang komentarista at mamamahayag. Pasensya na po sa inyo. Hayaan nyo at darating ang panahon - mababawasan din ang galit ng ibang tao. Magkakaintindihan din tayo. Sa mga tinamaan naman sa aking diretsahang pagtutol sa boycott at cancel culture, tinamaan kayo ng magaling! ✌🏻✌🏻✌🏻🇵🇭 Sa mga tumatangkilik naman ng Ka Tunying's, maraming maraming salamat po sa inyo. Alabyu 3x a day! ❤️❤️❤️