25/09/2026
โWalang kwenta magnegosyo dito sa Pilipinas.
Magsimula ka pa lang, lugi na.โ
May mga negosyante talagang
umaabot sa point na ganito yung naiisip.
Naglabas ka ng puhunan.
May gastos bago pa magkaroon ng sales.
May products kang kailangang ibenta.
Tapos habang nagsisimula ka pa lang,
parang ang dami nang kailangang bayaran.
Kaya minsan, kapag hindi agad maganda
ang resulta, madaling isipin na baka hindi talaga
para sa atin ang pagnenegosyo.
Pero sa experience ko,
mas magandang tingnan muna kung
saan talaga nanggagaling yung lugi.
Mali ba yung product?
Mali ba yung target market?
Hindi ba sapat yung sales?
Masyado bang mataas yung cost?
O wala pa talagang malinaw na
paraan para ma-convert
yung mga customers na interested?
Kasi iba-iba ang dahilan kung
bakit nahihirapan ang isang negosyo.
At kapag nilagay natin lahat
sa โmahirap magnegosyo dito,โ
baka hindi natin makita kung ano yung
part ng business na pwede pa nating ayusin.
Hindi naman ibig sabihin na
madali ang magnegosyo sa Pilipinas.
May mga totoong challenges na
kailangang harapin ng mga negosyante.
Pero habang ginagawa natin yung business,
mahalaga ring matutunan nating
himayin yung problema.
Kapag alam natin kung saan nanggagaling
yung problema, mas may pagkakataon tayong
makagawa ng konkretong solusyon.
Sa experience mo sa negosyo,
ano yung pinakamalaking challenge
na naranasan mo noong nagsisimula ka?
(Texts from Carl Serrano)