05/10/2024
💯💯💯
Madalas ko naiisip sa umaga kung gaano kasimple ang ligaya: 'Yung makain mo ang gustong kainin, mapuntahan ang gustong puntahan, mabili ang gustong mabili.
'Yung moments na mapapaisip kang, "Shet pwede na akong mamatay."
Or at least magpatuloy sa buhay. Kasi 'ika nga nila, hindi ka na lang basta nagsu-"survive." You are, indeed, living your life.
Madalas ko rin inilalagay o vini-visualize ang buhay ko kung magkakaroon ng substantial amount of wealth.
'Yung di ko na po-problemahin ang hinaharap ng mga anak at magiging apo ko. 'Yun talaga, mapapasabi ka ng, "Shet pwede na akong mamatay."
Parang na-fulfill mo na ang purpose mo sa lipunan o at least sa iyong family tree.
Kaya madalas akong magtaka sa mga artistang may legasiya at yamang ipapamana na sa susunod na henerasyon—lalo na sa mga artistang nanganak ng isa pang artistahin—kapag gusto nilang pasukin ang politika na parang family business.
Kasama na diyan ang mga influencer na limpak-limpak na ang kinikita sa ad-revenues ng kanilang content, ay gugustuhin pang magpolitika. Madalas na palusot: Gusto raw makatulong.
Kung tunay na gusto natin makatulong, ibibigay natin ang pwesto sa nararapat. Gagamitin ang influence para ituro sa tamang tao ang mga botante, ieendorso ang mga walang—o sinusupil—ang boses.
Kapag may eroplanong kailangan paliparin, ituro mo ang piloto, huwag kang umarte na parang ikaw ang piloto kahit wala kang alam sa eroplano.